💫 IV 💫

13.2K 607 87
                                    

Chapter Four:
Sorry

***

NOW
January 2018

HINDI ako makatulog. The fact that Phil was right next door was enough to keep me awake. The man whom I loved and broke my heart was staying next door. He was probably asleep by now at hindi kagaya ko na sobrang affected sa presence n'ya. Nakakainis. Bakit kailangan akong maging ganito ka affected sa muli naming pagkikita? Akala ko ba naka-move on na ako? Tsaka, wala naman akong kasalanan sa kanya. Dapat s'ya ang mas nahihirapan sa pagkikita namin. Ako ang nasaktan, s'ya ang nanakit. Hindi dapat ako ang ganito ka-affected kundi s'ya.

Pero ang kapal ng mukha n'ya para harapin ako na parang wala kaming past. He was acting like everything's okay kahit hindi naman talaga. Hindi ako okay! Hindi kami okay!

"OMG! Ito na ba ang sequel sa lovestory n'yo?" excited at kinikilig na tanong ni Mikaela. Nakipag-video call ako sa kanila ni Kim, kasi nga, affected ako at hindi makatulog. Oo na, ako na ang OA. Ako na ang hindi maka-move on. Pasensya naman. "Sabi ko na, eh. PhilYo pa rin ang end game. Sinubok lang kayo ng tadhana para mas maging malakas kayo."

"Shut up, Michael." Tila naiinis na sabi ni Kim.

"Bruha ka! Transgender na ako and everything, mina-Michael mo pa rin ako."

Kasalukuyan silang nasa condo unit ni Kim at umiinom ng beer. Nakaupo lang sila sa sahig habang maraming foods na nakapaligid sa kanila. Nakakainggit. How ironic, ako 'tong nagbabakasyon sa Siargao, pero ako ang naiinggit sa kanila. Pa'no ba naman kasi, sinira na ni Phil ang bakasyon ko.

"Wag nating i-romanticize ang pagkikita ulit nina Yohan at Phil sa Siargao. Isang malaking coincidence lang ang lahat ng 'to. 'Wag na nating lagyan pa ng kung anu-anong meaning, okay?" seryosong wika ni Kim.

In fairness, sa aming tatlo, s'ya ang pinaka-mature mag-isip. She was like our mother hen since highschool. Napaka-protective n'ya sa'min at kahit kailan ay hindi n'ya kami iniwan during tough times. Kaya naman takbuhan namin s'ya tuwing malungkot kami because she always knew the right words to say to make someone feel better. Aside from her comforting words, she could also give us a much-needed slap of reality whenever it was necessary. Alam n'ya kung paano timbangin ang sitwasyon kaya naman alam n'ya rin kung kailan s'ya magiging gentle sa pananalita n'ya at kung kailan s'ya magbibigay ng tough love.

"Alam mo, napaka-bitter mong babae ka. Palibhasa, wala kang lovelife," nakasimangot na komento ni Mikaela. "Malay mo, mag-ala Popoy and Basha na BL version ang PhilYo natin."

"Tigilan mo nga ako sa PhilYo-PhilYo mo d'yan. Binibigyan mo ng false hopes ang kaibigan natin."

"False hopes? Bakit, sa tingin mo, wala na talagang pag-asa na madugtungan pa ang istorya nilang dalawa?"

"Oo, tapos na sila at wala ng karugtong pa. Period. Kaya 'wag ka ng mag-ilusyon, bakla."

"What they had was true. They loved each other."

"But he broke Yohan's heart. Whether what they had was true or not, sinaktan pa rin n'ya ang kaibigan natin. At hanggang ngayon, Yohan is still struggling para maka-recover sa sakit."

"Wow, ha; Kung makapag-usap kayong dalawa tungkol sa'kin, parang hindi ko kayo naririnig," sabi ko sa kanila kasi parang nakakalimutan na nilang ka-video call nila ako.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon