Chapter Forty-Eight:
The Revelation***
THEN
January 2009YOHAN'S POINT OF VIEW
HINDI ko inakalang sa gano'n pala mauuwi ang monthsary namin. Naubos na kasi talaga ang pasensya ko. No'ng una, kinikilig ako sa pagseselos ni Phil kasi feeling ko gano'n n'ya talaga ako kamahal. It was cute at first. Pero sumusobra na rin kasi s'ya. His jealousy was way too much at nagiging toxic na rin. Para bang hindi n'ya ako kayang pagkatiwalaan.
Instead of celebrating our monthsary, umuwi ako sa bahay at nagkulong sa kwarto. Mabuti na lang at hindi na ako ginambala pa nina mama dahil napansin siguro nila na wala ako sa mood. Pati ang plano sana naming pagku-confess sa parents namin ay hindi natuloy dahil sa away namin.
He called and texted me several times pero hindi ko pinansin lahat ng 'yon. Nang mapagod na ako sa kaka-vibrate ng cellphone ko ay ini-off ko iyon.
Bahala ka sa buhay mo, Phil! Manigas ka! sabi ko sa isip ko.
Gusto ko kasi s'yang turuan ng leksyon. Hindi pwedeng selos na lang siya nang selos kahit wala namang katuturan. Oo nga't may gusto si Trevor sa akin, pero we're only friends. Kahit subukan man akong agawin ni Trevor, hindi naman s'ya magtatagumpay because I was hopelessly in love with Phil. Walang magbabago.
"Yohan, anak!" Nakatulog na pala ako at nagising lang ako nang nakarinig ako ng katok— si mama 'yon.
"'Ma? Teka lang po."
Alas dose na ng hatinggabi. Ano naman kaya'ng kailangan ni mama para gisingin ako? Sana naman walang emergency.
Sa takot ko ay nagmamadali kong binuksan ang pinto ng kwarto ko.
"Anak, si Phil, nasa sala. Pinapasok ko na kasi lasing na lasing. Hinahanap ka."
"P-po?"
"Nag-away na naman ba kayo? Kausapin mo nga ang batang 'yon."
My heart was pounding drastically. Ano'ng pumasok sa isip ni Phil para maglasing at pumunta pa sa bahay namin? Nababaliw na ba talaga s'ya?
Mabilis akong nagpunta sa sala at naabutan ko ro'n si Phil na nakaupo habang si papa naman ay inaabutan s'ya ng isang tasa ng kape. Hindi na 'yon tinanggap ni Phil nang nakita n'ya ako.
"Yohan!" Mabilis s'yang tumayo at lumapit sa'kin.
"Ba't ka naglasing?"
"Yohan, I'm really sorry! Hindi ko sinasadyang sigawan ka kanina. I was just so frustrated. Alam kong sumusobra na ang pagseselos ko. Trust me, sinusubukan ko namang pigilan, pero—"
"Phil, nababaliw ka na ba? Tumahimik ka nga."
Nag-panic na ako. Habang nagsu-sorry kasi siya ay nakikinig naman ang mga magulang ko. Hindi sa gano'ng paraan ko gustong malaman nila ang tungkol sa relasyon namin. I wanted to have a proper conversation with them.
"Ituloy mo, Phil," seryosong wika ni papa na lalong nagpakaba sa akin. "Bakit ayaw mong marinig namin ang mga sasabihin niya, Yohan?"
"Lasing lang po si Phil, 'Pa. 'Wag n'yo na lang pong pansinin. Ihahatid ko na po s'ya sa kanila."
Bago ko pa man makaladkad si Phil palabas ng bahay, hinawakan na n'ya ng mahigpit ang kamay ko. Matapang n'yang sinalubong ang mga mata ng papa ko. Si mama naman ay nakatayo lang sa isang gilid at tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...