Chapter Eleven:
New Friend***
THEN
June 2008"ANG lakas mong kumain," biro ko habang nagdi-dinner kami ni Kyle sa Jollibee. Sa pinakasulok kami nakahanap ng pwesto. Pahirapan pa dahil sa dami ng customers ng oras na 'yun.
I felt better because of him. Sobrang unexpected ng lahat ng nangyari. Sa lahat naman ng pwede kong makasama tonight, si Kyle pa. Magkakilala na kami mula no'ng highschool dahil magkabarkada sila ni Phil, but we never became friends. Casual talks lang tuwing nagkakasama kami sa mga parties o 'pag nagkakasalubong sa school. Pero never sa ganitong pagkakataon na kaming dalawa lang.
I've always tried to put a distance between myself and Phil's friends. Okay na sa akin na mayaman ang bestfriend ko. As much as possible, ayoko ng makipagsalamuha sa iba pang mga kauri n'ya. Alam ko naman kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Don't get me wrong, I was not belittling myself. I didn't feel less valuable than any of them just because they're rich and I was not. Ayoko lang talagang makipag-close ng masyado sa mga mayayaman dahil alam kong magkaiba kami.
"Nagsalita ang hindi malakas kumain," ganting biro n'ya. "O, sige na, mag-order ka pa ulit. Alam ko namang gutom ka pa, eh. May pahiya-hiya ka pang nalalaman d'yan."
"Excuse me!"
"O, ano? Ide-deny mo pa?"
"Talagang ide-deny ko kasi hindi naman totoo. Busog na ako. In fact, parang wala ng paglalagyan ng pagkain sa tyan ko."
He never made me feel uncomfortable. Sobrang cool n'yang kasama. In fact, I honestly enjoyed his company, much to my surprise. Dati kasi, ang akala ko'y hindi magkakasabay ang personalities namin. Iba rin kasi talaga ang karamihan sa mga anak-mayaman. Pero sa isang oras na magkasama kami, hindi ko naramdaman ang gap namin financially at sa social status na rin. Parang magka-uri lang kami. He was so humble and very simple.
"Can I be honest with you on something?" he suddenly asked out of nowhere. He wore a serious expression which made me feel nervous.
"Ang serious natin, ah. Prank ba 'to?"
"No, I just want to be honest with you. First time nating nakapag-usap nang ganito katagal. This might not be the last. Kaya, while it's still early, I want to give you a full disclosure about something."
"Ano 'yun?"
"I know you're gay," walang pagdadalawang-isip na sabi n'ya. He said it so casually like it was no big deal. "And I also know that you're in love with Phil."
Nanigas ako at napatitig sa kanya nang matagal. Pinagpawisan ako ng malamig at tila tumigil sa pag-function ang utak ko. Ilang saglit pa bago nag-sink in sa akin ang mga sinabi n'ya. Tsaka lang ako nag-panic when the gravity of the situation finally dawned on me.
"What are you talking about? Nagda-drugs ka ba? Itigil mo na 'yan," I joked. Syempre, kailangan kong i-deny ang accusation n'ya.
"Matagal na kitang inoobserbahan since no'ng highschool pa tayo."
"I'm sorry pero nagkakamali ka."
"Bahala ka kung gusto mong i-deny. Pero alam mo sa sarili mo na tama ako."
"Pa'no mo naman nasabi 'yun?"
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...