Chapter Twenty-Seven:
Beach***
THEN
October 2008YOHAN'S POINT OF VIEW
"WHERE do you want to go?" tanong ni Phil pagkasakay namin sa kotse niya.
"Aba, 'ewan ko. Ikaw 'tong bigla na lang nanghila."
"Think of one place you want to go to."
"Classroom," nakabusangot kong sagot.
"What?"
"Sabi ko, classroom," I repeated. "May klase pa kaya ako. Gusto mong mag-cutting classes tayo?"
He looked pissed off pero hindi ko alam ang rason. Hindi naman siguro dahil nakita n'ya kaming magkasama ni Kyle, 'di ba? I mean, we were just talking at wala namang masama do'n. Hindi rin naman siguro siya nagseselos, kasi... I don't know, he's not the jealous type. I couldn't imagine a guy like him being jealous.
"Magde-date nga tayo, 'di ba?" inis niyang turan.
I blushed. Dati kasi ay ini-imagine ko lang na nagde-date kami, pero ngayon magkakatotoo na.
"Kailangan ba talaga during class hours? Pwede namang after ng klase."
"Gusto ko ngayon na. Kaya tulungan mo akong mag-isip kung saan tayo pupunta."
Napalingu-lingo na lang ako. Typical Phil. He was a nice person, but he could be unreasonable sometimes. May mga panahon talaga na kailangang masunod kung ano ang gusto n'ya.
"Beach," it was the first thing that came to mind.
"Beach?" He thought about it. "Well, why not? Sa'n mo gusto?"
"Hmm..."
"'Di bale na. May alam ako."
Nagsimula na kaming bumyahe. Huminto lang kami saglit sa isang convenience store to buy some snacks, 'tapos, tuloy na ulit ang joy ride. He turned on the car stereo and we started jamming to his favorite songs na nagustuhan ko na rin dahil palagi n'yang pinapatugtog tuwing magkasama kami.
The beach was two-hours away minus the traffic. Hindi ko alam kung bakit sa daming malapit na beach, do'n n'ya ako dinala. But when we parked, tsaka ko lang na-realize that he made the right decision. It was so peaceful and quiet. May mga cottages do'n at nakahilera rin ang mga coconut trees sa paligid. Malinis at malinaw ang dagat. Wala rin kaming nakitang kahit anong kalat sa paligid ng beach. And since it was a weekday, hindi crowded ang lugar.
May isang pamilya lang sa kabilang side, pero na-solo namin ang isa pang side ng beach. Hindi na kami kumuha ng cottage, umupo na lang kami sa buhangin dala ang mga pagkain namin. Pumayag naman ang caretaker basta ligpitin lang daw namin ang mga kalat 'pag uuwi na kami.
"Perfect weather," he said while looking at the sea. Nililipad ng hangin ang buhok niya which made him look even more attractive.
Asus! Kailan ba hindi naging attractive sa paningin mo si Phil? 'Wag mo kaming ini-echos, bakla. 'Wag kami, sinira na naman ng KJ kong konsensya ang moment ko.
"Oo nga, 'no? Mabuti naman at hindi masyadong mainit kaya pwede tayong umupo lang dito kahit walang cottage."
"Nagustuhan mo ba?"
"Huh?"
"I know this is not really romantic but I hope you liked our first date."
Napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...