💫 L 💫

9.5K 424 92
                                    

Chapter Fifty:
Struggling Hearts

***

NOW
January 2018

"SO, you're saying na isang malaking coincidence lang na nagtagpo kayo rito ni Phil sa Siargao?" gulat na tanong ni Trevor habang kumakain kami sa isang restaurant.

"According to him," simpleng sagot ko while enjoying my mango shake. "But who knows kung nagsasabi ba s'ya ng totoo? Baka sinadya n'ya talagang pumunta rito para sundan ako. Hindi naman sa assuming ako or something ah, but you know..."

"Yeah, yeah. Gets kita."

Nang nakita ko si Trevor sa resort ay kaagad ko siyang hinila nang basta-basta. Hindi na siya nakapalag. I needed him para makaiwas ako kay Phil kahit pansamantala lang.

He was in Siargao for his TV program. Isang sikat na newscaster na ngayon si Trevor sa TV station na pinagtatrabahuan ng parents niya. Pero hindi lang s'ya nag-rely sa pangalan ng mga magulang n'ya because he created his own name using his talent and skills. I have witnessed his journey into becoming one of the most trusted journalists in our country. Halos lahat ng documentary na ginawa n'ya ay napansin. Karamihan pa nga sa mga 'yon ay nakatanggap ng international awards.

Sobrang nakaka-proud ang mga achievements n'ya throughout the years. Ang nakakatuwa lang ay hindi siya nagbago. In fact, malapit na magkaibigan pa rin kami nina Mikaela at Kim. Hindi na nga lang kami madalas magkita dahil masyadong busy sa trabaho. Minsan lang din namin nakakasama si Trevor dahil sa hectic schedule n'ya pero palagi naman namin s'yang nakaka-tex o nakaka-chat online.

He was enjoying the success of his travel program na kinagigiliwan ng millenials. Nahilig kasi siya sa vlogging kaya naisip ng bosses niya na gawin 'yong isang regular TV program. Kung saan-saan na s'ya nakarating-both here in the country and abroad. Pini-feature niya ang culture, food, entertainment at lahat ng trivias ng iba't-ibang lugar. He was in Siargao to feature the beauty of the island lalo na ngayong mas sumisikat na ang isla.

"Gusto n'yang makipagbalikan?" he casually asked.

"As if naman babalikan ko s'ya. No way," natatawang sabi ko. "I've been through hell dahil sa kanya. Hindi ako makakapayag na maulit pa 'yon. Hindi naman ako gano'n kabobo to commit the same mistake again. Natuto rin naman ako sa mga pagkakamali ko, Trev."

"I don't know, but I think kailangan n'yong mag-usap ng mabuti."

"Ilang beses na kaming nag-usap. Wala rin namang nangyari. It didn't fix anything. The damage has been done."

"I just want you to be happy. There's a reason kung bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring ibang naging boyfriend aside from Phil. He can make you happy and you know that."

"I'm already happy."

"But you can be happier."

Iyon ang nakakainis kay Trevor. Sapol na sapol s'ya kung magsalita. Yeah, Phil can make me happier. Pero kapalit naman ng happiness na 'yon ay ang napakaraming sakit at complications.

"Hey, sa'n ka ba kampi? Ako ang kaibigan mo dito, ah," pabirong wika ko.

"Of course, sa'yo ako kampi. Ang sa'kin lang naman, baka masyado ng natatabunan ng sakit at galit ang puso mo. Ayoko namang mangyari 'yan sa'yo. You're blocking the chance of being happy. Ayokong mawalan ng lugar ang love d'yan sa puso mo."

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon