Chapter Fourteen:
I Kissed My Ex***
NOW
January 2018THE 40-minute travel from General Luna to Del Carmen, Siargao was tiring but fun, nevertheless. Ang dami naming magagandang views na nadaanan. Sobrang ganda ng isla, maraming lugar na masasabi mong untouched at hindi pa gaanong na-exploit ng modern civilization. People there lived a simple life and you can see how happy and contented they were with their lives in the island.
Presko ang hangin, maganda ang daan, walang traffic. Yes, wala nga ako sa Manila. Feel na feel ko ang pagbabakasyon ko. I felt away from home, away from work and stress. Kinalimutan ko na lang muna ang lalaking nakasunod sa akin ngayon. Hindi ko na hahayaang sirain ni Phil ang bakasyon ko. Ii-enjoy ko 'to dahil pinag-ipunan ko 'to. Bahala s'ya sa buhay n'ya.
"Sugba Lagoon, here we come!" malakas na sigaw ni Phil habang nakasakay kami sa bangka na naka-dock sa Mangrove Wharf.
I rolled my eyes. "Para kang bata."
"Bakit ba? Excited ako, eh."
"Whatever. Ang childish pa rin."
"Hindi naman. I'm just having fun."
Hinayaan ko s'ya tutal mas malaki naman ang ibinayad n'ya sa bangka. Gusto kasi n'ya na kaming dalawa lang ang sasakay do'n at walang ibang makakasabay na hindi namin kilala. Ako, okay lang sana sa'kin. Pero maarte ang kasama ko kaya hinayaan ko na lang s'ya. Tutal mas malaki naman ang binayad n'ya.
Ilang saglit lang ay umandar na ang bangka. Hindi kami magkarinigan dahil sa ingay ng makina pero si Phil ay ayaw pa rin magpaawat sa kakasalita kahit hindi ko naman s'ya marinig nang maayos. Pareho kaming naging busy sa pag-take ng pictures at videos. May nadaanan kaming mga mangrove at maliliit na isla kung saan may small communities na nagse-settle. They lived a very simple life away from the modern world. Ang ganda ng paligid. It made me appreciate the beauty of nature even more.
I think it took us 30 minutes or so bago namin narating ang famous diving site ng Sugba Lagoon. There was a big pontoon house with two main floors. May mga tables doon na pwedeng rentahan. Pinili naming mag-stay sa 2nd floor. Luckily, walang masyadong tao doon kaya mas peaceful ang paligid. Tahimik at maririnig mo pa ang huni ng mga ibon. The lagoon looked inviting. Sobrang linaw ng tubig. Parang kaming nasa isang hidden paradise.
"Magda-dive ka?" he asked habang busy sa pagkuha ng pictures sa lugar. Ako naman ay nakaupo at naga-apply ng sunblock.
"Mamaya na. Mauna ka na."
"Ayoko. Gusto ko sabay tayo."
"Ano?"
"Sabay tayong mag-dive. Then we can kiss each other pagbagsak natin sa tubig. Or we can kiss while diving." He winked at me at parang nag-sommersault ang puso ko. Lintik talagang lalaki 'to!
"Fuck you."
"Yohan!" he feigned horror and hugged himself. "Conservative ako, ano ba!"
"Baliw ka."
"Ikaw naman, I was just joking around. Hindi ka na mabiro."
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...