💫XLIV💫

9.7K 429 37
                                    

Chapter Forty-Four:
Vacation

***

THEN
December 2008

YOHAN'S POINT OF VIEW

ANG daming sugat na tinamo ni Trevor kaya hindi ko magawang tumitig sa kanya nang diretso. Pero hindi n'ya ipinahalata sa amin na nahihirapan s'ya. He still joked around as if everything was okay. Sangkaterbang sermon naman ang tinanggap n'ya mula kina Mikaela at Kim kaya hindi na ako nakidagdag pa. Ipinagpasalamat ko na lang na buhay s'ya at sana'y walang serious damage na madi-discover after makuha ang resulta ng tests n'ya.

Lumabas sandali ang mommy n'ya para may asikasuhin at para masolo namin sandali si Trevor.

"Okay lang talaga ako. Ang OA n'yong tatlo, nagpunta pa kayo dito kahit gabi na," nakangiti n'yang sabi sa'min.

"Hindi kami OA, concerned lang. Syempre, kaibigan namin ang naaksidente. Ano sa tingin mo ang dapat na maging reaction namin?" sagot ko naman.

"Alam ba ni Phil na nandito ka?" tanong niya na nagpa-akward ng atmosphere.

"Oo naman." Alam nina Mikaela at Kim na nasa labas si Phil, pero pinili kong 'wag na lang iyong sabihin kay Trevor. Ayoko kasing pahabain pa ang topic namin tungkol kay Phil. I was there for Trevor, and I wanted to talk about him and his condition.

Hindi na rin kami masyadong nagtagal dahil kailangan na rin n'yang magpahinga. We only stayed there for about half an hour at umalis na kami.

"Phew! Ang awkward n'on, bakla," ani Mikaela habang naglalakad kami sa hallway ng ospital.

"Bakit ba kasi ang haba ng hair mo, Yohan? Gusto ka na nga ng ultimate love mong si Phil, gusto ka rin ni Trevor?" ani Kim na natatawa.

Nasabi ko na sa kanila ang tungkol sa confession ni Trevor at hindi sila nabigla. In fact, ako nga lang daw siguro ang walang idea na may special feelings si Trevor sa'kin. Hindi raw nila alam kung manhid ba ako o ano, dahil mas malinaw pa raw sa sikat ng araw na hindi lang kaibigan ang tingin n'ya sa'kin.

"Alam n'yo, sa totoo lang, hindi s'ya masarap sa pakiramdam. Oo, masaya ako sa'min ni Phil, but I'm hurting Trevor at the same time. At hindi n'ya deserve na masaktan because we know how good a person he is."

"I-enjoy mo na lang ang moments mo with Phil. Don't worry about Trevor, ako na ang bahala sa kanya. Pai-in love-in ko 'yon sa'kin," malanding biro ni Mikaela.

"Nakakadiri ka, bakla. Tumigil ka nga. Gabing-gabi na, baka masuka ako," tumatawang reaksyon ni Kim.

Nagtawanan na lang kaming tatlo pagkatapos ng isang seryosong usapan. Hay naku, salamat na lang talaga at may mga baliw akong kaibigan. Kahit gaano kabigat ang problema, nagagawa pa rin naming tawanan.

I offered them na makisakay na lang sa'min ni Phil para ihatid na lang namin sila, but they declined. Magta-taxi na lang daw sila para makauwi na kami kaagad ni Phil. Hindi ko na lang sila pinilit kasi alam ko namang hindi pa sila gano'n ka komportable kasama s'ya.

"Kamusta?" he asked no'ng nakabalik na ako sa kotse.

"He's okay. Hopefully, maayos lang ang results ng lab tests niya," I casually answered. "Pasensya ka na sa abala, ah."

Mukhang nainis na naman s'ya.

"Hindi ka naman abala sa'kin."

Tahimik n'yang pinaandar ang kotse.  Hindi ko alam kung paano ko s'ya kakausapin. Medyo kabado ako around him kaya I chose to remain silent.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon