💫 XXI 💫

10.9K 488 61
                                    

Chapter Twenty-One:
Hard Decision

***

THEN
September 2008

YOHAN'S POINT OF VIEW

PHIL was totally devastated. Mabuti na lang at walang masamang nangyari sa mommy n'ya. Doon lang n'ya na-realize kung gaano pala ito kahalaga sa buhay n'ya. He started to appreciate his mother's efforts to keep their family and their business intact. He promised to make it up to her mula sa araw na 'yun.

"Alam mo, masaya ako para sa'yo," nakangiti kong sabi sa kanya. Nakasakay kami sa kotse n'ya pauwi ng mansyon. Nang ma-regain kasi ang consciousness ng mommy n'ya, kaagad kaming pinauwi nito dahil may pasok pa raw. Ayaw n'ya kaming mapuyat at mag-absent bukas.

"Why?" he asked while his eyes were on the road. Grabe, 2 AM na, pero ang gwapo-gwapo pa rin n'ya. Parang walang pinagdaanang emergency a few hours ago.

"Kasi feeling ko, ito na ang simula ng pagkakaro'n mo ng strong relationship sa mommy mo."

"Close naman talaga kami dati, 'di ba?"

"Oo, naaalala ko nga na tinatawag ka nilang mommy's boy. Iba naman kasi ang sitwasyon noon. Ang daddy mo ang laging wala sa bahay dahil s'ya ang namamahala sa negosyo n'yo. Ang mommy mo naman ang palagi mong nakakasama sa bahay, sa school, at sa pamamasyal. Kaya natural lang na mas close kayo noon."

"Nasira nga lang ang closeness na 'yon, because I've been an asshole. Naging makitid ang utak ko."

"Don't be too harsh on yourself. Hindi ko sinasabing tama ang ginawa mo, pero I can't blame you either. You were seeking for your mother's attention na hindi n'ya maibigay nang maayos dahil sa kabusy-han n'ya sa business."

He grinned at hindi na nagsalita pa.

"Ano naman ang nginingiti-ngiti mo d'yan?" nagtataka kong tanong.

"Wala."

"Hindi ako naniniwala. Sige na, sabihin mo na sa'kin."

"Wala nga. Promise." But his face said otherwise. Nakangisi pa rin s'ya habang nakatutok ang mga mata sa kalsada.

"Napaka-sinungaling mo!" natatawang sabi ko at sinuntok-suntok s'ya nang mahina.

"Whoa, whoa, whoa! Tigilan mo 'yan, Yohan! Mababangga tayo!"

"Sabihin mo na kasi! Ba't ka ngumingiti? Bakit?!" tanong ko habang tumatawa at hindi pa rin tumitigil sa pagsuntok sa kanya.

"Oo na, oo na. Sasagot na po."

Tsaka lang ako tumigil.

"Shoot."

"Natutuwa lang ako."

"Na?"

"Na kahit mali ako, nahahanapan mo pa rin ng rason to see my point. You always try to see the good in me." His tone and his facial expression was too serious, it made my heart beat faster.

"O-oo naman," nauutal kong sabi. "I know you so well because you're my bestfriend. At dahil kilala kita, alam ko na hindi ka masamang tao. Gago minsan, pero hindi masama."

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon