💫 XLV 💫

9.5K 418 38
                                    

Chapter Forty-Five:
Yes!

***

THEN
December 2008

"5, 4, 3, 2, 1..."

"Merry Christmas!!!"

Sobrang ingay ng paligid. Pinaghalong hiyawan at tunog ng fireworks ang maririnig. Pumailanlang rin ang isang Christmas song habang nagbabatian at nagyayakapan kami. Syempre, hindi namin pinalampas ni Phil ang pagkakataon na makapagyakapan in public nang hindi nila napapansin na may kakaiba sa amin.


"Merry christmas," he whispered.

"Merry christmas. Nasa'n ang gift ko?"

"Nasa ilalim ng Christmas tree. Kunin mo na lang after ng noche buena. Ako, nasa'n ang gift ko?"

"Basta, 'meron."

"Where is it? Nasa ilalim rin ba ng Christmas tree?"

"Wala do'n."

"Nasa'n?"

"Kayakap mo," nakangisi kong sagot.

"H-huh?"

"Yes."

Matagal s'yang hindi nakapagsalita. Kumawala naman ako mula sa pagkakayakap sa kanya at nginitian s'ya ng matamis. He looked puzzled and I really enjoyed his reaction.

Lumabas ako at naglakad sa labas ng resthouse. He followed me hanggang sa naupo ako sa may fountain. Medyo malayo na 'yon sa resthouse at sigurado akong hindi na nila maririnig ang pag-uusapan namin.

He sat next to me habang pareho kaming nakatingala sa mabituing langit. The stars were sparkling at maya't-maya ring nag-iilaw ang langit dahil sa fireworks.

We stayed silent for a moment and took time to enjoy the scenic view and the romantic mood.


"Care to explain?" aniya pagkaraan ng ilang saglit.

"Yes," pag-ulit ko sa sinabi ko kanina habang nakatingala pa rin sa langit. "Yes ang sagot ko."

"Sa?"

"Yes, I want to be yours..." I faced him and gave him a serious look, "and I want you to be mine."

It took him awhile to process my words, until it dawned on him na sinasagot ko na s'ya. The look of disbelief was evident on his face hanggang sa unti-unting ngumiti s'ya ng sobrang laki.

"R-really? Are you serious?"

"Mukha ba 'kong nagju-joke?"

"But I haven't proved myself-"

"You don't have to prove anything to me. Naniniwala akong mahal mo 'ko. Mahal rin naman kita kaya ayokong patagalin pa natin 'to. I want us to be official para maharap na natin ang susunod na problema."

"What do you mean?"

"Ang parents natin. Gusto kong sabihin na natin sa kanila ang totoo as soon as possible. Gusto kong maging legal tayo sa kanila."

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon