Chapter Fifty-Three:
Struggles of Loving You***
THEN
September 2009
WALANG pagsubok na hindi nalalagpasan basta hindi ka lang susuko. Ito ang pinanghawakan namin ni Phil. Habang tumatagal kasi, mas lalong nagiging mahirap ang mga bagay-bagay sa'min. There were times when I started to question my decisions.
Was it really right to choose a life with him over my own family? Did we make the right decision of turning our backs on everyone, so we could be together? Did we overestimate ourselves when we thought we could really survive as long as we're together?
"Sorry, bakla, pero ang haggard mong tingnan ngayon," komento ni Kim habang nagdi-dinner kami sa isang bagong bukas na restaurant.
Matagal na kaming hindi nagkikita dahil sa busy schedule namin. Aaminin ko rin na sinubukan ko silang iwasan dahil ayokong makarinig ng ka- negahan mula sa kanila. I know they meant well. Iniisip lang nila ang kapakanan ko bilang mga kaibigan, pero hindi ko pa rin mapigilang masaktan.
"Okay lang ako." Iyon ang palagi kong sinasabi sa lahat ng nagsasabing mukha raw akong pagod na pagod. It was easier to lie than to explain the truth.
"Okay ka lang ba talaga? Sure ka? Sabihin mo nga sa'min ang totoo, okay pa ba talaga kayong dalawa ni Phil?"
"Oo naman. We're doing good."
Another lie. Minsan pinapaniwala ko na lang ang sarili ko na okay kami. But really, alam kong niloloko ko na lang ang sarili ko. We're slowly falling apart.
"Eh, bakit nabalitaan naming binenta raw ni Phil ang kotse n'ya at bumili na lang ng second-hand car as replacement?" tanong ni Mikaela.
Hindi ko alam kung paano n'ya 'yon nalaman. Siguro pinag-uusapan na 'yon sa university since Phil was famous there. Obviously, mapapansin ng mga tao na iba na ang kotseng ginagamit n'ya.
"Marami lang gastusin sa school. Tsaka, hindi naman gano'n kalaki ang kinikita namin sa pagtatrabaho. Si Phil, part-time job lang naman ang trabaho n'ya. Maraming bills na kailangang bayaran, kaya ayu'n, naisip n'ya na mas praktikal raw kung ibebenta na lang n'ya ang kotse n'ya at bumili na lang ng mas mura."
He tried to act as if he was fine with it, but I knew, it was a tough decision for him. Sanay s'ya na may mamahaling kotse. Sa umpisa ay tumutol ako sa gusto n'yang mangyari. I didn't want him to give up his dream car, pero nagmatigas talaga s'ya at in-insist na okay lang daw.
"Jesus! Ano ba 'tong pinasukan n'yo, bakla?" nag-aalalang sabi ni Kim. "Binenta n'ya ang kotse n'ya ngayon. 'Tapos ano'ng kasunod nito? Ibebenta n'ya ang condo 'tapos lilipat na lang kayo sa maliit na apartment para makatipid?"
"H-hindi naman siguro kami aabot sa gano'n. Tsaka hindi rin naman magiging ganito kahirap ang buhay namin forever. Sa simula lang 'to. Tiis-tiis lang muna. Magsisikap kami para mas gumanda ang buhay namin. Tsaka makukuha rin ni Phil ang kabuuan ng mana niya 'pag nag-twenty one na siya. It'll get better soon."
"Ang layo pa n'on, bakla. Tsaka ano'ng sabi mo? Tiis-tiis muna? Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi ka nag-aaral 'tapos nagpapaka-haggard ka sa pagtatrabaho. Hindi mo kailangang pagdaanan ang lahat ng 'to. You're wasting your life."
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...