💫XLII💫

10.7K 483 81
                                    

Chapter Forty-Two:
Yours

***

THEN
December 2008

YOHAN'S POINT OF VIEW

NAKAKAGAAN ng pakiramdam ang masiglang tawanan ng mga batang cancer patients na pinuntahan namin para sa Christmas party. Maraming activities na ginawa, including gift-giving. Nagdala kami ng maraming pagkain at mga laruan para sa kanila which made them happy. Sobrang dali lang nilang pasayahin sa kabila ng sakit nila.

Iniwasan ko na lang si Phil at hinayaan ko silang dalawa ni Lalaine na mag-lead ng program. Nanahimik na lang ako sa isang sulok. Kung pwede lang sanang maunang umuwi ay ginawa ko na, pero ayoko namang magtaka sina mama.

"O, anak, ba't parang matamlay ka?" tanong ni mama na hindi ko namalayang nakaupo na pala sa tabi ko.

"P-po? A-ano... Medyo masama lang po ang pakiramdam ko."

"Masama ba talaga ang pakiramdam mo o may ibang rason kaya ka nagkakaganya'n?"

"A-ano naman po?"

"Akala mo siguro hindi ko napapansin na may problema kayo ni Phil."

Ang hirap talaga magtago kay mama. Kilalang-kilala n'ya kasi ako at alam n'ya kung nagsisinungaling ako o may hindi sinasabi sa kanya.

"Okay lang naman po kami," I still lied kahit bistado na ako.

"'Wag kang mag-alala, hindi ko itatanong kung ano ang problema n'yo. Kaya 'wag ka ng magpanggap na okay ka dahil alam ko namang hindi. Ang sa akin lang, pag-usapan n'yo. Malalaki na kayo. Kung noon ngang mga bata pa kayo ay hindi kayo nag-aaway, ngayon pa kayang nasa tamang edad at pag-iiisip na kayo? Huwag n'yong hayaan na masira ang pagkakaibigan n'yo dahil sa kung ano man ang pinag-awayan n'yo, anak."

Iyon na nga ang problema. Nasira ang pagkakaibigan namin dahil higit pa dito ang gusto ko. Minsan gusto kong pagsisihan na nag-confess pa ako kay Phil. Sana nakontinto na lang ako sa kung ano'ng 'meron kami. Sana kahit masakit, tiniis ko na lang, if it meant saving our friendship.

Pero ayoko ring pagsisihan ang mga naging desisyon ko. Hindi pwedeng mabuhay ako sa kasinungalingan at mga sikreto. Tama lang na nalaman n'ya ang totoo.

"Opo, 'ma. Salamat po."

Habang nag-uusap kami ay nakuha ang atensyon namin ng tunog ng isang gitara. Sabay na napalingon ang lahat sa makeshift stage kung saan nakatayo si Phil sa harap ng microphone at may dalang acoustic guitar.

"Ehem." Lahat ng naroon ay sa kanya na nakatingin — including me... Especially me. "Hi everyone! First of all, gusto ko lang sabihin na 'wag kayong masyadong mag-expect. Hindi ako magaling kumanta. Pero hakit ba? Gusto kong kumanta, eh!"

Nagtawanan lahat ng nakarinig.

"Loko-loko talaga ang batang 'yan," komento ni mama.

"Yohan, kasali ba 'to sa ginawa n'yong program?" tanong ng mommy ni Phil na lumapit na rin pala sa akin.

"H-hindi po."

"I can't believe na kakanta ang anak ko sa harap ng maraming tao," natutuwang sabi nito at pumalakpak ng malakas.

"Ayos! Supportive si mommy sa singing career ko," he joked again na ikinatawa na naman ng lahat — except me.

My heart was hammering inside my chest dahil hindi ko alam kung ano na naman ang gustong gawin ni Phil para saktan at pagselosin ako. Haharanahin ba niya si Lalaine? No, no, no! I couldn't watch him serenade her. I could only take so much pain. May hangganan ang pagtitiis ko. Hindi pwedeng patayin n'ya ako sa selos.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon