Chapter Twenty-Five:
Reality & Illusion***
THEN
September 2008YOHAN'S POINT OF VIEW
SINALUBONG ako ni Phil the moment I got home. Nasa gate s'ya at halatang inaabangan ako. But I wasn't in the mood to deal with him. I was pissed off the entire day because of his crazy girlfriend. Kahit nagawa namin s'yang awayin ng mga kaibigan ko, 'ewan, buong araw pa rin akong na-bwisit sa kanya. Kaya naman no'ng tinawag ako ni Phil, hindi ko s'ya pinansin. Diri-diretso akong naglakad at nilagpasan s'ya.
"Really? Hindi mo 'ko papansinin?" aniya habang nakasunod sa'kin.
Huminto ako at hinarap s'ya. Wrong move. Sobrang lapit lang pala n'ya sa akin kaya nagkabungguan kami dahil sa biglaan kong pagharap. Na-out of balance tuloy ako at muntik ng matumba. But he was quick to hold me and prevent me from falling.
He firmly placed his hand on my body which made me shiver. It gave me tingling sensations and made me feel giddy. Parang bigla kong nakalimutan ang lahat ng inis ko sa mundo. Pero bago pa man ako tuluyang malusaw, ako na mismo ang lumayo sa kanya. Hindi 'to pwede. Pinapaasa ko lang ang sarili ko.
"Akala ko ba we're not in speaking terms? Bakit nagrereklamo ka na hindi kita pinapansin? Adik ka ba?"
"Who told you that we're not in speaking terms?"
"Hindi mo 'ko kinakausap. Isn't that enough to make a conclusion?"
"Conclusion." Tumango-tango siya. "D'yan ka naman magaling, eh. Mag-conclude. Hindi mo rin naman ako pinapansin, ah."
"Kasi nga hindi mo ako kinakausap. Ano'ng gusto mo, magmukha akong tanga kakapansin sa'yo kahit deadma ka lang?"
He massaged his temples. Sumakit yata ang ulo n'ya dahil sa akin. Patas lang kami because he was also making my head ache. Actually, hindi pala kami patas. Kasi pati puso ko, pinapasakit n'ya, hindi lang ulo.
"Let's talk," seryosong sabi niya.
"Oh, so, may plano ka pa palang makipag-usap sa'kin? Sana naman in-inform mo ako last week pa. Kasi isang linggo mo na akong tinatratong parang hangin na hindi mo nakikita, eh."
"I'm sorry, I was just..."
"What?"
"Thinking!" frustrated at pasigaw niyang sagot. "I hope you understand that your confession was a lot for me to take. Hindi madali—"
"Na malaman mong bakla pala ang bestfriend mo? Oo, hindi naman talaga madali."
"Hindi 'yan ang ibig sabihin ko. Stop twisting my words. I don't have problems with gays. I respect all people."
Alam ko naman 'yon. But I didn't need his respect. I needed his love. Iyong pagmamahal na higit pa sa isang kaibigan. But, unfortunately, it was also the kind of love he couldn't give me.
"Alam mo, Phil, pagod ako. I've had a long day. Kaya sabihin mo na ang kung ano man ang gusto mong sabihin para matapos na 'to."
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...