💫 XXIX 💫

11K 496 34
                                    

Chapter Twenty-Nine:
Island Vacation

***

THEN
November 2008

YOHAN'S POINT OF VIEW

"WOW..."

Iyon ang unang lumabas sa bibig ko no'ng nakita ko ang isla na pagmamay-ari nina Phil. Hindi iyon masyadong malaki pero napakalinaw ng dagat at puti ang buhangin. Kasalukuyan pang tinatapos ang resort nila pero sobrang ganda ng tingnan kahit hindi pa ito fully operational.

Natuloy na rin ang bakasyon namin para sa extended birthday celebration ni Phil. And I could tell that he was happier now kompara sa masquerade party. Ito naman kasi ang thing n'ya—malayo sa sosyalan, fun, at chill lang.

Kasama namin ang mga kaibigan niya. Si Dreigh na lang ang pinaka-close n'ya na nakasama kasi hindi na sila in good terms ni Kyle. Napag-alaman kong si Kyle na rin pala mismo ang lumayo sa kanila when he admitted na nagkasala s'ya sa'kin. Phil was mad, but surprisingly, walang suntukang nangyari. Phil acted as if he was calm even though he was so mad deep inside. He simply asked Kyle to go fuck himself. I felt bad kasi inseparable silang tatlo ni Dreigh at Kyle since highschool, pero ngayon ay nasira na ang barkada nila.

Isinama rin ni Phil ang college buddies n'ya na sina Mike at Frank. Tuwang-tuwa naman si Mikaela dahil napapaligiran raw kami ng mga grasya and he was definitely not referring to the beautiful island. Si Kim naman, walang pakialam sa boys because she was too engrossed in taking pictures. Sa lahat ng babaeng bakla, si Kim lang ang alam ko na man-hater (although she would never admit that).

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Phil pagkababa namin sa bangka. Inalalayan pa niya ako kahit kaya ko naman.

Seriously, ang haba ng buhok ko pagdating sa kanya. He has been treating me like a princess since that day na nagkaaminan kami ng feelings. Hindi ako sanay sa sweet gestures n'ya, pero aaminin kong masarap sa pakiramdam.

"Ano ka ba, why are you asking me that? Araw mo 'to, kaya mas importante kung nagustuhan mo ba ang lugar. Happiness mo ang priority natin dito."

"'I'm happy whenever you're happy."

"Ang cheesy mo na! Tara na nga sa loob!" I dismissed him kahit sa totoo lang para na akong mamamatay sa kilig.

"Narinig ko 'yon, ah! Asus! Kilig na kilig naman si bakla," ani Mikaela na nasa likod ko lang pala. Si Kim, ayu'n at busy pa kakakuha ng pictures. Balak yatang mag-photographer ng bruha after college.

"Tumigil ka nga d'yan. 'Wag kang panira," natatawa kong sabi.

"Hoy, Michael, 'wag mong lalandiin ang mga kaibigan ko, ah. Nanununtok ang mga 'yon," Phil warned him in a teasing way.

"First of all, it's Mikaela, not Michael," mataray at nakataas ang kilay na pag-correct niya dito. "At 'wag ako ang warningan mo kasi wala naman akong planong lumandi. I'm here to enjoy the beach. Ang mga kaibigan mo ang kausapin mo, kasi for sure, hindi nila matitiis ang alindog ko. Kita mo nga, pinaglalawayan na ako, ni hindi pa nga ako naka-two piece."

Hindi na kami nakapagsalita dahil diri-diretso na s'yang pumasok sa resort dala ang kanyang maleta. Oo, nagdala ng maleta ang bruha kahit dalawang araw lang naman kami sa isla.

"Wow. Babaeng-babae talaga ang pakiramdam ng Michael na 'yon," tumatawang sabi ni Phil habang sinusundan namin ng tanaw si Mikaela na parang supermodel na naglalakad papasok ng resort.

"Hayaan mo na, mas-stress ka lang."

Since kami lang naman ang bisita sa resort at hindi naman kami gano'n karami, we were lucky enough to have separate rooms. Malaki ang room na nakuha ko. Wala pa masyadong laman at designs pero fully-furnished at air-conditioned na. Sa harap ng bed ay mayro'ng glass door na nagkokonekta sa verandah kung saan matatanaw ang beach.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon