💫 XXXIII 💫

10.5K 476 76
                                    

Chapter Thirty-Three:
Mr. Hot Geek

***

THEN
November 2008

YOHAN'S POINT OF VIEW

INSTEAD of being sad and feeling sorry for myself, mas pinili kong mag-focus na lang sa pag-aaral ko. Ayokong maging kagaya ng iba na na-in love, nasaktan at napabayaan ang studies. I couldn't let my emotions ruin my future. I was better than that. Broken-hearted lang ako pero hindi pa katapusan ng mundo. Kailangan ko pa ring bumangon at ipagpatuloy ang buhay.

"Excuse me!" Mabilis akong naglalakad sa hallway during the first day of the second semester when somebody called me.

I was running late for my first class dahil nag-commute lang ako at inabutan ng matinding traffic. Sira ang bike ko, at sa kamalas-malasan, ang taas pa ng pila sa terminal ng jeep. Hindi naman kasi kagaya dati na magkasabay kaming pumapasok ni Phil.

"Yes?" Nilingon ko ang tumawag sa'kin and I saw a cute guy wearing glasses. Contrary to what others might think, he didn't look like a geek to me. If he was, then he probably was the hottest geek I'd ever seen!

"Nahulog ang binder mo." Inabot n'ya 'yon sa akin at kaagad ko namang tinanggap.

"Thank you," hinihingal na pagpapasalamat ko. "I'm running late na kasi kaya hindi ko na namalayang nahulog pala 'to. Thanks again!" Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at dire-diretsong itinuloy ang mabilis na paglalakad.

Luckily, hindi pa dumarating ang professor namin. Nakahinga ako nang maluwag at kaagad na naghanap ng upuan. Sa gitna ako nakahanap ng mauupuan. Malapit 'yon sa bintana kung saan matatanaw ang malawak na field ng university. May naka-set up na stage do'n para sa magaganap na concert mamayang gabi. Tradition na raw iyon ng university every after the first half of the school year. Iba't-ibang banda mula sa different departments ang nagpe-perform every year. It wasn't a battle of the bands, though. No competition, just pure fun. Ang mas masaya, half day lang ang pasok bukas para ma-enjoy ng lahat ang concert tonight. Yeah, I know. Sana lahat ng school kagaya ng sa'min.

"Can I sit here?"

Nagulat ako nang makita ang "hot geek" na nakatayo sa harapan ko.

"I-ikaw? Dito rin ang first class mo?"

"Yup."

"Journalism rin ang course mo?"

"Yeah."

"Bakit?"

"Anong 'bakit'?"


"Ah, wala. Sorry, stupid question." I felt my cheeks burning dahil sa hiya. "Ah, yeah, you can sit here. Hindi pa naman 'to occupied."

"Great. Thanks." Kaagad s'yang umupo sa tabi  ko and then checked something on his phone.

Nahiya naman ako sa balat ko. Anong klaseng tanong ba naman kasi 'yong pumasok sa isip ko? Nagmukha akong tanga sa harap ni Mr. Hot Geek. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya. Nakadungaw lang ako sa bintana the whole time.

"Mukhang matatagalan pa ang professor natin, ah," he attempted to open a topic.

"Y-yeah, baka may ginagawa pa."

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon