💫 LIV 💫

8.5K 388 70
                                    

Chapter Fifty-Four:
How It Ends

***

THEN
November 2009

THINGS were falling apart.

Akala ko kaya namin. Akala ko lang pala 'yon. We were not strong enough to withstand the storms that came in our lives. Maybe because we were too young or maybe because we didn't really know what we got ourselves into.

"Okay lang 'yan. Kunin mo na lang ulit ang subject na 'yon, 'tapos bumawi ka na lang," I consoled him when he told me na bumagsak s'ya sa isa n'yang subject.

Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner sa condo when he told me the bad news.

"Sayang kasi, eh," frustrated niyang tugon. "Sayang sa pera at oras."

"Wala na tayong magagawa. Nangyari na, eh. Solusyunan na lang natin."

I tried to sound positive dahil ayokong makadagdag sa lungkot n'ya. He must be disappointed at alam kong isa sa reasons ng pagbagsak n'ya ay ang pagtatrabaho n'ya. Hindi naman kasi s'ya sanay na pinagsasabay ang pag-aaral at trabaho. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka nakakasira na sa kanya ang relasyon namin.

"Madali para sa'yo ang sabihin 'yan because you're not me. I'm so disappointed with myself. Simpleng pag-aaral lang, hindi ko pa magawa nang maayos. Hindi ko pa maipasa-pasa."

Hindi ko nagustuhan ang tono niya pero hinabaan ko na lang ang pasensya ko. May pinagdadaanan s'ya kaya masyado siyang iritable.

"I understand how you feel, but don't be too hard on yourself. Ginawa mo naman ang lahat ng makakaya mo. Hindi mo pinabayaan ang pag-aaral mo. Hindi ka lang siguro nakapag-focus nang maayos dahil may part-time job ka pa."

"It's not a valid reason to fail. Trabaho lang 'yon. Kaya ko dapat pumasa kahit may trabaho ako."

"It's okay to fail sometimes. Natural lang 'yon. Ang importante, hindi ka susuko. Babangon ka ulit."

No matter how much I tried to make him feel better, tila hindi pa rin sapat iyon. Masyado niyang sinisi ang sarili n'ya. He felt so down at habang tumatagal ay parang hindi ko na s'ya nakikilala. He was no longer the Phil that I used to know and loved.

He became a stranger... A monster.

Napapadalas ang pag-uwi n'ya nang lasing. Nagpapakapagod s'ya sa pagtatrabaho pagkatapos ay mag-iinuman sila ng workmates n'ya pagkatapos. Uuwi siya sa condo na halos hindi na makapaglakad nang diretso. Ilang beses rin nangyari na pinipilit n'ya akong makipag-sex sa kanya habang lasing s'ya.

Habang tumatagal ay napapadalas ang pag-iyak ko. Habang tumatagal ay mas dumarami na ang lungkot at sakit sa relasyon namin kaysa saya. It became toxic and destructive already. Ni sa hinagap ay hindi ko inakalang aabot kami sa gano'ng point.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo?" tanong ko sa kanya isang gabi na umuwi na naman siyang lasing.

"Why? What's wrong with me?"

"Seriously? Hindi mo alam kung ano'ng problema sa'yo?!" Tinalikuran ko siya at diretsong pumasok sa kwarto namin.

"Babe..." Sinundan n'ya ako at niyakap mula sa likod. He smelled alcohol kaya itinulak ko s'ya palayo. "Babe, ba't ka ba nagkakaganya'n? Okay naman ako, ah. Okay naman tayo, 'di ba?"

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon