💫 XLVII 💫

9K 402 48
                                    

Chapter Forty-Seven:
A "Not-So-Happy" Monthsary

***

THEN
January 2009

YOHAN'S POINT OF VIEW

TAHIMIK ako sa loob ng kotse. Hindi pa rin kasi matanggal sa isip ko ang mga narinig ko mula sa mommy ni Phil. Naiinis ako at nagseselos. Bakit hindi man lang n'ya binanggit sa'kin na may inirereto palang babae si tita sa kanya? Kahit masakit, kahit magselos ako, dapat sinabi pa rin n'ya sa'kin. I didn't want us to keep secrets from each other dahil sa mga sikreto naman talaga nagsisimula ang patung-patong na issues na kadalasan ay nauuwi sa hiwalayan.

"Please say something." He sighed.

"Ano, forever na lang ba tayo dito sa garahe? May klase pa tayo, remind lang kita. Kung hindi mo pa paaandarin itong kotse, mali-late na talaga tayo."

"Who cares about class? We have an issue and we need to talk about it right now."

"So, ngayon, gusto mo ng pag-usapan after mo 'tong itago sa'kin?"

"Hindi ko naman talaga planong itago sa'yo 'yon forever. I was just waiting for the right time."

"Right time? Walang righ time para sa ganitong bagay, Phil. Kahit weekday o weekend mo sabihin sa akin, umaga o gabi man 'yan, masasaktan pa rin ako."

"I know, I know."

Frustration was written all over his face. Nakonsensya naman ako. Alam kong hindi rin n'ya gusto ang lahat ng 'to. Naiipit lang siya. Pero dahil sa sakit at selos na nararamdaman ko, halos hindi ko na naisip ang feelings niya.

"Halika na nga, Phil. Pumasok na tayo sa school. Ayoko ng pag-usapan 'to."

"No, hindi tayo pwedeng tumigil sa pag-uusap hangga't hindi naaayos 'to."

"Hindi 'to basta-bastang maaayos dahil involved dito ang mommy mo."

"Wala naman akong planong sumipot sa dinner na 'yon, eh. It's our first monthsary. Do you think mas pipiliin ko ang dinner na 'yon kesa sa celebration natin?"

"Are you crazy? Magagalit si tita 'pag hindi ka sumipot mamayang gabi. Isa pa, marami pa naman siguro tayong monthsaries na pwedeng i-celebrate next time."

"Talagang marami pa. But it's our first monthsary kaya mas special 'to. Hindi pwedeng hindi natin 'to ma-celebrate nang maayos."

Sa totoo lang, gusto ko rin naman talagang i-celebrate ang first monthsary namin. In fact, I've been looking forward for this day. Pero ayoko ring mag-away sila ng mommy n'ya. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng araw na pwede silang mag-dinner kasama ng isa sa pinaka-importanteng business partner sila, bakit sa mismong monthsary pa namin itinaon? Parang nananadya, eh.

"It's okay, Phil. Hindi pwedeng hindi ka sumipot sa dinner n'yo. Mag-aaway kayo ng mommy mo."

"Gagawa na lang ako ng excuse. I'm sure maiintindihan n'ya ako."

I highly doubt na maiintindihan ni tita ang kung ano man ang gagawin n'yang excuse. She sounded serious earlier no'ng nakausap ko s'ya sa phone. Hindi lang naman kasi basta dinner ang pinag-uusapan dito. It was business-related.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon