💫 II 💫

15.8K 667 87
                                    

Chapter Two:

Siargao

***

NOW

January 2018

NOTHING felt better than dancing with the waves and just let it wash you over. Ang sarap-sarap sa pakiramdam. I felt so free and careless. Para bang nabubuhay lang ako para magpatangay sa alon, 'tapos ay tatayo ulit at muli na namang magpapatangay. It was such a great stress-reliever. Sa sobrang saya ko'y halos hindi ko na napapansin ang oras. All I cared about was my surf board and the waves. Mukhang pati ang ibang mga nagsu-surf sa paligid ay kagaya ko rin na walang pakialam sa takbo ng oras. Ilang saglit na lang yata ay lulubog na ang araw but the surfers around me showed no signs of stopping.

Siguro nga ito ang reason kung bakit binabalik-balikan ng mga turista— surfers or not —ang Siargao Island. Aside from its waves, sobrang laid-back ng lugar. Nakaka-relax talaga. It was a paradise, indeed. Napaka-peaceful at malayo sa magulo, maingay at mausok na city life. Sa Siargao, wala kang pakialam sa oras. You just wake up each day to enjoy the beauty of the island. Walang rush, walang stress.

"Hanggang kailan ka ba d'yan?" tanong ni Mikaela na kausap ko sa phone. "Minsan na nga lang akong makapagbakasyon dito sa Pilipinas, hindi pa kita makikita." Naka-base na kasi s'ya ngayon sa Milan bilang isang fashion designer. Big-time na ang malandi kong kaibigan and I was so proud of her. Yes, her. Transgendered na s'ya at plano ng magpakasal sa kanyang French boyfriend next year.

"Isang linggo pa ako rito sa Siargao. Ikaw naman kasi, why didn't you tell me na uuwi ka pala? Eh 'di sana, pi-nostpone ko muna ang bakasyon ko."

"Duh, surprise nga, 'di ba?"

I pressed the speaker phone at inilagay ang phone sa bed. Kasalukuyan kasi akong nasa loob ng hotel room at nagbibihis. Mayamaya lang ay lalabas ako para maghanap ng makakainan for dinner.

"May pa-surprise-surprise ka pa kasing nalalaman. Aya'n tuloy, ikaw ang na-surprise nang hindi mo ako naabutan sa Manila."

"What are you doing in Siargao ba kasi? Nage-emote ka ba dyan?"

"'Pag nag-Siargao, nage-emote agad? Hindi ba pwedeng nagsu-surfing lang?"

"You just wanna get laid there, bakla. You are so malandi."

"Shut up, 'wag mo 'kong itulad sa'yo. Inosente ako," biro ko. Pero totoo naman, I never had sex with anyone for a very long time. Hindi sa ayaw ko. I was simply not into casual sex. Gusto ko kasing gawin 'yun sa isang taong mahal ako at committed ako. Kaso, ang only person naman na minahal ko... Oops, Yohan! Don't even go there. Nasa Siargao ka to relax, 'di ba? 'Wag mong dalhin ang stress mo rito sa isla.

"Ay naku, naloloka ako sa'yo. See you na lang after your vacation. Tawagan mo ako kaagad, ah. Si Kim na lang muna ang yayayain kong rumampa."

"Hoy, Mikaela, 'wag ka ng lumandi, ah. Engaged ka na."

"Lalandi pa rin ako, 'no. Pero slight na lang. Iba pa rin ang Pinoy, bes!"

"Yuck! Kadiri ka!"

"Wow, hiyang-hiya naman ako."

Sabay kaming nagtawanan. Ilang saglit lang ay tinapos na namin ang phone conversation dahil may gagawin pa raw s'ya. Sakto namang nakapagbihis na ako. Isang simpleng white loose shirt at pajama lang ang isinuot ko nang lumabas ako ng hotel room. Wala rin kasi akong planong pu-marty ngayon. After kong mag-dinner ay babalik na ako sa hotel para matulog. Maaga akong gigising bukas para mag-tour sa buong isla.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon