💫 LII 💫

8.8K 392 31
                                    

Chapter Fifty-Two:
The Plan

***

NOW
January 2018

THE following day, sumama ako kina Trevor mag-island hopping. Isang malaking bangka ang nirentahan nila. Kasama namin do'n ang lahat ng staff ng show niya. Everyone was having fun at parang hindi sila nagtatrabaho. I admired their team work. Lahat sila ay magkakaibigan kaya naman mas nakakapagtrabaho sila nang maayos. No wonder na nangunguna ang show nila sa ratings game.

"Okay ka lang?" ani Trevor na naupo sa tabi ko at inabutan ako ng isang plato ng seafoods.

"Yup," I answered with a smile. "Teka, ang dami naman nito. Sinasabotahe mo yata ang diet ko, eh."

"Diet ka d'yan. Ang payat mo nga."

"Excuse me, hindi kaya. Sakto lang."

"I beg to disagree."

"Hindi naman kasi ako kagaya mo na babad sa gym." Since he was shirtless, I got a clear view of his washboard abs. His body was lean and undeniably desirable. Too bad, he was not my type. Okay, ako na ang choosy.

"Kailangan, eh. Palagi akong nakikita sa TV."

"So, dinadaan mo sa pa-abs ang televiewers mo?"

"Medyo," natatawang sagot niya.

"Abs pala ang panlaban mo sa ratings, ah! That's cheating!"

"Hindi, ah. I'm simply using my assets properly."

Sabay kaming nagtawanan.

Ilang saglit lang ay natanaw na namin ang unang isla na pupuntahan namin. Naked Island looked beautiful and inviting even from afar. Maliit lang ang isla at wala kang ibang makikita kundi ang puti at pinong buhangin at ang malinaw na dagat. We were lucky dahil walang masyadong tao no'ng dumating kami.

Kaagad na nag-set up ang mga staff. Nagpaiwan muna ako sa bangka at tiningnan ko sila habang nagsu-shoot. Trevor definitely knew what he was doing. He looked natural in front of the camera. Walang script, dahil according to him, he wanted his program to be as authentic as possible.

Nag-research na s'ya bago pa man pumuntang Siargao, kaya more or less ay alam na n'ya ang sasabihin even without reading or memorizing a script.

Nag-apply muna ako ng sunblock bago bumaba. I took a few pictures of the magnificient view and a quick selfie.

Bigla namang nakuha ang atensyon ko ng mga maiingay na boses sa likod ko. Fuck. There he was... Ang panira sa buhay ko!

Pati ba naman sa island hopping, makikita ko pa rin s'ya? Alam kong maliit lang ang islang 'to and we were bound to bump into each other anytime. Gets ko naman 'yon. Pero parang nananadya na ang universe, eh. Hindi na ako natutuwa.

He was with a group of foreign tourists at mukhang enjoy na enjoy s'yang katawanan ang isang Amerikanang naka-pulang swimsuit.

Kaagad kong kinastigo ang sarili ko nang nakaramdam ako ng selos.

No, no, no. Of course I'm not jealous. I can't be jealous. Why would I be jealous?! sabi ko sa isip ko.

I wasn't sure if he saw me, but most likely, nakita n'ya talaga ako dahil maliit lang ang Naked Island.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon