💫 XXXV 💫

10.6K 481 70
                                    

Chapter Thirty-Five:
Jealous Phil

***

THEN
November 2008

YOHAN'S POINT OF VIEW

I FELT uncomfortable no'ng kami na lang ni Trevor ang nasa loob ng kotse niya. Mas malapit kasi sa university ang bahay nina Mikaela at Kim kaya mas una silang nai-drop. Kasalanan na naman ng dalawa kung bakit nasa isang awkward na sitwasyon na naman ako for the second time that night.

"Sorry ulit sa ka-gagahan ng mga kaibigan ko, ah. Hindi nila dapat pinagawa 'yon sa'yo," mahinang sabi ko habang nagmamaneho siya. Ako naman ay pinaglalaruan ang daliri ko sa pagbabaka-sakaling makakatulog iyon sa uneasiness ko.

"Wala 'yon."

"Ikaw naman kasi, ba't pumayag ka? Hindi mo dapat sinakyan ang trip nila. Mga walang magawang matino sa buhay ang dalawang 'yon."

"First of all, I'm sorry because I thought it was fun. Phil's reaction was priceless and I enjoyed making him jealous."

I rolled my eyes. Mukhang isang araw pa lang namin s'yang nakasama ay nahawa na kaagad s'ya sa kabaliwan ng dalawa kong kaibigan. Fun? Sa'n ang fun doon? Maybe it was fun for them, but it definitely wasn't for me.

Ako ang naipit sa gitna ng dalawang lalaking parang magpapatayan in no time.

"'Wag mo ng uulitin 'yon."

"Pa'no 'yan, we already gave him the impression na may something sa'tin. Hindi ba dapat panindigan na lang natin 'yon?"

"Ano?" Kung may kinakain lang siguro ako ay baka nabilaukan na ako. "Are you serious?"

"Hell, yeah!" Mukhang tuwang-tuwa siya sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano. Pero napansin siguro n'ya ang iritasyon sa mukha ko kaya mabilis s'yang nag-explain. "Hey, don't get me wrong. I'm not taking delight in your heartbreak. In fact, gusto kitang tulungan na pagselosin si Phil."

"At bakit ko naman s'ya pagseselosin?"

"Para ma-realize n'ya kung ga'no s'ya kagago at katanga para pakawalan ang isang katulad mo."

"Eh, ano ba ang isang katulad ko?"

"Fishing for compliments, huh?"

"Excuse me, hindi ako fishing, ah. Gusto ko lang malaman kung bakit mo nasabing gago at tanga siya for letting me go. You don't even know me that much. May I just remind you na kaninang umaga lang tayo nagkakilala."


"It doesn't matter." He shrugged. "First impressions lang naman ang pinagbasehan ko, eh. I don't need to know you that much para mapansin ko that you're a good person. I know you have a big heart that loves unconditionally. You're a strong person because even though there's sadness in your eyes, I can see that you're fighting. You're not letting your broken heart pull you down."

His words hit me. Those were all true. Hindi ko alam kung bakit gets n'ya ako kahit kakakilala pa lang namin. But it seriously felt good to have someone who understands you completely.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon