NOW
February 2018SINCE we broke up, I began to hate the month of February. Para kasing lahat ng tao ay in love. Kulang na lang umulan ng hearts, rainbows and unicorns. Bitter na kung bitter pero naku-cornyhan ako. Or maybe it was simply because hindi ako maka-relate dahil wala akong lovelife. Lahat ng couples na nakikita ko ay nire-remind ako sa masayang nakaraan namin ni Phil. We were so happy before. We've head our fair share of ups and downs and I didn't regret fighting for him once. Kahit nasaktan ako, hindi ko iyon pinagsisihan dahil naging masaya ako kapiling siya noon.
Pagkatapos kong nalaman ang lahat, wala pa ring nangyari. I didn't have the courage to face him again. Tsaka hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Makikipagbalikan ba ako sa kanya o hindi? That's why I didn't exert any effort to see him again because I still didn't know what to do. So, I went back to my life without him.
"TL, okay ka lang?" Hindi ko namalayang nasa desk ko na pala ang isa sa mga agents ko na si Martin.
"H-huh? Ah, yeah." Nag-space out na naman pala ako sa kalagitnaan ng trabaho. Tuwing naiisip ko kasi si Phil ay nabablangko ako. "Pasensya na, may iniisp lang ako. Do you need something?"
"Ii-invite ka sana namin bukas. Dinner lang tayo sa bagong bukas na restaurant malapit lang dito. Rest day naman natin bukas."
"Ah, I'm not really sure if I can make it. May gagawin kasi ako," I lied. Wala lang talaga akong ganang lumabas. I'd rather stay home and sleep. KJ na kung KJ.
"It's my birthday."
"T-talaga?" Shit, mukhang mahihirapan akong tumanggi nito.
Isa si Marvin sa mga nagpaparamdam sa akin. It was pretty obvious na may something siya sa'kin and he was just waiting for the right time para manligaw. Kaso, alam kong magiging kagaya rin siya ng ibang mga pumorma sa'kin. Mababasted lang siya dahil wala talaga akong planong makipag-boyfriend. Siguro nadala na ako kay Phil. Kung nadala na ako, bakit ko kinu-consider na makipagbalikan sa kanya? Nababaliw na nga siguro talaga ako.
"Siguro naman hindi mo ako tatanggihan sa birthday ko," pangungonsensya niya. "Sige na, TL. Minsan lang naman 'to. Tsaka it's my treat."
Napabuntung-hininga ako.
"Fine." Sumuko na ako. "Pero hindi ako pwedeng magtagal, ah. Dinner lang. Bahala kayo kung gusto n'yong mag-inuman after."
"Copy."
Naging busy ulit ako hanggang sa hindi ko namalayang natapos na pala ang shift ko. Tirik na ang araw no'ng tumingin ako sa bintana. After kong i-finalize ang reports ko ay nagligpit na ako ng gamit ko. Nakasabay ko sa elevator pababa si Chris, isang bisexual na minsan ring nanligaw sa'kin. TL rin siya ng ibang team at matagal na kaming magkakilala. I told him that I wasn't interested in any romantic kind of relationship. He tried to convince me but he failed. Maluwag sa loob naman niyang tinanggap ang desisyon ko and we're good friends now.
"Going home?" aniya habang nasa loob kami ng elevator.
"Yup."
"Wanna have some breakfast before you go home?" he invited.
"Ah..." I was about to decline pero mukhang napansin kaagad niya ako.
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...