Chapter Fifty Eight

10.6K 461 111
                                    


NOW
February 2018

HINDI makapaniwala ang mga magulang ko nang nakita nila si Phil na hinatid ako pauwi. He greeted them as if nothing happened in the past. Well, wala namang alam ang mga magulang ko kung bakit kami naghiwalay ni Phil. I simply told them that it didn't work and they didn't press for further details. It's one of the things I likee about my parents—their respect for my privacy. Ginusto ko rin na hindi nila malaman ang totoong nangyari sa amin ni Phil because I didn't want to ruin his image on my parent's eyes.

   "Kumain ka muna, hijo," anyaya ni mama na kasalukuyang busy sa kusina. Maaga talaga siyang gumigising para asikasuhin kami. "Yohan, saluhan mo si Phil."

   "Kumain na po ako, 'ma."

   "Kumain po s'ya kasama ang boyfriend niya," hirit ni Phil na ikinagulat ni mama. Napatingin naman si Papa sa akin na tila nagtatanong.

   "Hindi ko po 'yon boyfriend. Magkaibigan lang kami."

   Diri-diretso akong umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko. Bahala si Phil kung gusto niyang kumain o makipag-bonding pa sa mga magulang ko. Basta ako, matutulog ako. Gising ako buong magdamag kakatrabaho at kailangan ko ng magpahinga. Bahala siya kung ano'ng gusto niyang gawin sa buhay niya.

   Kakatapos ko lang magbihis when my mother knocked on my door. Pinagbuksan ko siya at pinapasok. Humiga na ako sa kama habang siya naman ay umupo sa tabi ko.

   "Okay po, lilinawin ko lang. Walang something sa'min ni Phil. Hindi po kami nagkabalikan. Magkakabalikan ba kami? 'Ewan ko. Basta ang sabi niya, he wants me back. Badly. At hindi raw siya susuko. But, honestly, hindi ko alam if we're still worth another try. I mean, a lot has happened and—"

   "Yohan, anak. Kalma. Sasabihin ko lang naman sa'yo na gabi pa kaming makakauwi ng papa mo dahil magiging busy kami sa catering service natin. Ang dami ng clients natin ngayon, sa awa ng Diyos. Kaya mamaya 'pag gising mo, magluto ka na lang ng makakain. Pwede ring magpa-deliver ka na lang dahil sobrang busy namin ngayon ng papa mo. Okay lang ba?"

   Shit. Napahiya ako. Akala ko naman kasi kukumprontahin ako ni mama tungkol sa amin ni Phil. Kaya inunahan ko na siya bago pa man siya makapagtanong o makapag-assume ng kung anu-ano.

   "Ah, s-sige po. Ako na po ang bahala sa sarili ko, 'ma. For sure hapon na rin naman ako magigising."

   She gave me a teasing smile.

   "Yaman din lamang na binanggit mo na si Phil, o sige, pag-usapan na natin."

   "Ma naman..."

   "Alam kong malaki ka na at alam mo na ang ginagawa mo. Hindi ako makikialam...kami ng Papa mo. Hahayaan ka namin dahil nakita namin kung paano ka nag-mature sa nakalipas na mga taon. May tiwala kami sa'yo. Itong sasabihin ko ay gabay at paalala lamang."

   I nodded. "Opo."

   "Nasaktan ka, oo. May galit at pait d'yan sa puso mo. Normal lang 'yan. Pero kung matututo kang magpatawad, magkakaro'n ka ng peace of mind. Mas magiging masaya ka, anak. 'Wag mong hayaan na matabunan ng galit ang puso mo."

   "Nakakatakot po kasi, eh," I honestly said. "Gusto ko pong subukan namin ulit. Kasi baka ngayon, pwede na. Baka ngayon, magiging maayos na. Pero ayoko na hong maramdaman ang sakit na naramdaman ko noon. Nakakatakot."

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon