Chapter Fifty-Five:
The Other Side of Love
WARNING: MASAKIT NA CHAPTER. SOBRA. PERO WAG MONG I-SKIP AH. HAHAHA! ETO NA SIGURO ANG PINAKAMASAKIT. LAST NA 'TO. LOL!
-----
THEN
December 2009THANK God, my prayers were answered. Nagising si papa at unti-unting naka-recover. Mahigpit ko s'yang niyakap at nag-sorry sa lahat ng ginawa ko. Nagyakapan kaming tatlo ni mama, and it was definitely one of the best moments in my life. Magpapasko na kaya masaya ako na nagkapatawaran na kami. Ang hindi ko inasahan ay nag-sorry rin sila sa akin sa hindi nila pagsuporta sa relasyon namin ni Phil.
"Naging mahina kami, anak. Hindi kami kumontra sa gustong mangyari ng mommy ni Phil dahil sa utang na loob. At dahil dito ay nasaktan ka rin namin," sabi ni papa na nagpaiyak sa'kin ng sobra.
"Kahit umalis po ako sa bahay, kahit kailan ay hindi kayo nawala sa puso ko. Mahal na mahal ko po kayo. Hindi ibig sabihin na pinili ko si Phil ay dahil mas mahal ko s'ya. Hindi po gano'n."
"Alam namin, anak," ani mama na punung-puno ng pang-unawa ang boses. "Sapat na sa'kin na umuwi ka sa panahong kailangan ka namin. Pero maiintindihan namin kung babalikan mo si Phil ngayong gising na ang papa mo. Hindi na kami tututol sa relasyon ninyo. Sabihin mo rin sa kanya na welcome siya sa bahay natin kahit kailan."
Life was being funny. Kung kailan tanggap na kami ng mga magulang ko, tsaka naman kami nagkalabuan. Malabo lang ba ang relasyon namin o hiwalay na talaga kami?
I refused to accept na naghiwalay kami ng gano'n na lang. Kailangan naming subukan man lang na ayusin ang lahat. Hindi kami dapat sumuko na lang nang basta-basta. Mag-uusap kami nang kalmado at ipapaalala namin sa mga sarili namin kung ga'no namin kamahal ang isa't-isa. We've been through a lot, and it would be such a waste kung maghihiwalay na lang kami.
Bumalik ako sa condo na punung-puno ng pag-asa na magkakaayos pa kami. Wala do'n si Phil pagkarating ko. Nagtaka rin ako dahil konti na lang ang mga gamit sa loob. Para bang wala ng nakatira doon. Nang buksan ko naman ang cabinet ay wala na roon ang mga damit niya. Halos mga gamit ko na lang ang natira do'n.
Hindi ko alam kung ano'ng nangyari no'ng umalis ako. Kaya tinawagan ko s'ya. It took him five rings bago sumagot. Oo, bilang ko pati ang rings dahil sa mabilis na pintig ng puso ko na dulot ng kaba.
"Yohan..."
He sounded cold and indifferent. Hindi man lang ba niya ako na-miss? Isang buwan rin kaming hindi nagkita.
"N-nasa condo ako."
Silence filled the air but I knew he was still on the other line dahil narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya.
"Wait for me there." Iyon lang at in-end na niya ang call.
Nanghina ako at napaupo na lang sa sofa. I was slowly breaking into pieces. Gusto kong umiyak because it might make me feel better, pero walang lumalabas na luha. Instead, mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko. I waited for him, and each minute that passed was plain torture. Tumayo ako para sana kumuha ng tubig pero sakto namang pumasok s'ya.
"P-Phil..."
Hindi ko mabasa ang ekspresyon n'ya. Pero isa lang ang sigurado ako, he was not happy to see me. He didn't miss me. I could see it in his eyes that he was fine without me. But I refused to believe it.
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...