Special Chapter # 4

6.8K 262 75
                                    


Yohan's
POINT OF VIEW

I AM BEYOND thankful sa buhay na 'meron ako ngayon. Sobrang swerte ko kay Phil dahil walang araw na hindi niya ipinaparamdam sa'kin kung ga'no niya ako kamahal. Para akong nakakulong sa loob ng isang fairytale book. Everything was too perfect to the point na nakakatakot na rin. Alam mo na, baka may kapalit na naman kasi ang happiness na nararamdaman namin pareho. But so far, wala pa naman. Every day was a blessing na palagi kong ipinagpapasalamat.

   One night, I went home late from and he surprised me with our wedding picture na nakalagay sa sala. Ipina-paint niya iyon at sobrang ganda ng pagkakagawa. We looked so happy there.

   "Did you like it?" he asked at niyakap ako mula sa likod.

    "Are you crazy? Syempre, nagustuhan ko! Ang ganda-ganda!"

   "I'm glad na nagustuhan mo."

   "Kailan mo 'to pinagawa?"

   "Last week."

   "Natapos agad? Gano'n kadali?"

   "I paid extra cash to make sure na makukuha ko ng maaga without sacrificing the quality. Tsaka magaling na painter rin naman ang kinuha ko kaya nagawa niya pa rin ng maganda."

   "What's this for? Wala namang special occassion ngayon, 'di ba?"

   Wala naman akong nakakalimutang special date. Sa pagkakaalam ko, it was just a normal day lang talaga.

   "Kailangan ba may okasyon para i-surprise kita?"

   My heart warmed dahil sa sinabi niya God, he was too sweet and thoughtful.

   "Ang cheesy mo." I faced him and held his cheeks. "Thank you."

   "You're always welcome."

   I kissed him lightly.

   "Wala akong surprise for you, pero babawi ako."

   "You don't have to. Making you happy makes me happy kaya I'm also doing this for myself."

   "Damn, why do you have to be so perfect?"

   "C'mon, we both know that's not true." He chuckled and gave me his infamous boyish grin. "I'm far from being perfect. In fact, ako na yata ang pinaka-imperfect na taong dumating sa buhay mo. But you chose to stick with me. Kaya I promised to myself that I'll spend the rest of my life making you happy."

   I was already teary-eyed dahil sa mga sinabi niya. Kaya naman hindi na ako nagsalita pa. Hinalikan ko na lang siya to make him feel kung ga'no ko siya kamahal. Kahit mag-asawa na kami, hindi pa rin nababawasan ang kilig at excitement na nararamdaman ko sa kanya. In fact, mas lalo akong nai-in love sa kanya bawat araw. He constantly made me feel special.

   I made the right decision of risking my heart for him. Wala akong pinagsisihan sa desisyon ko. Maraming beses man akong nasaktan noon, sulit naman pala dahil sobrang saya ko ngayon.

   Pero may kulang pa rin pala. Our relationship was far from being perfect. Na-realize ko 'yon nang minsang um-attend kami sa binyag ng isa sa mga business associates niya kung saan kinuha siyang ninong.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon