💫 XLIX 💫

8.3K 370 27
                                    

Chapter Fourty-Nine:
Tormentd by Love

***

THEN
February 2009

MY parents started a business. Isa 'yong maliit na grocery store sa probinsyang nilipatan namin. Maliit lang ang community at peaceful. They said it was a new beginning for our family. May community college na twenty-minute-away lang mula sa bahay namin kung saan ako mag-aaral sa susunod na pasukan. Habang hindi pa nag-aaral ay tumulong muna ako sa pagpapatakbo ng negosyo namin.

Alam kong may kaunting ipon ang mga magulang ko. Ang hindi lang ako sigurado ay kung sapat ba ang ipon nila pang-kapital sa isang negosyo. I didn't know we have that much money to start a grocery business kahit maliit lang naman 'yon. Hindi na lang ako nagtanong dahil ayoko namang mainsulto sila sa'kin. But deep inside, marami ng bagay ang nabubuo sa isip ko.

"Kumusta na si Phil? Nagkikita ba kayo sa school?" tanong ko kay Kim habang magkausap kami sa cellphone isang gabi.

"I'm not supposed to tell you this kasi ayokong mag-alala ka. But Phil's a walking mess. Pumapasok s'ya sa school na parang may hangover pa. Ang balita, lagi raw s'yang naglalasing at minsan ay napapaaway pa."

My heart broke when I heard the news. Kahit babaero si Phil noon, kahit kailan ay hindi naman s'ya naging lasenggo at basagulero. Natatakot ako na baka sirain n'ya ang buhay n'ya.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sobrang layo ko sa kanya," malungkot kong wika.

"Kahit nga kami, gusto namin s'yang tulungan. Pero alam naming wala rin kaming magagawa. Ikaw lang ang makakapagpatino sa kanya."

"Bakit ba kasi kailangang mangyari ang lahat ng 'to? Ni hindi ko alam kung ano talaga ang totoong dahilan ng paglipat namin dito. Nalaman ba ng mommy ni Phil ang tungkol sa relasyon namin? Nagalit ba s'ya? Pinalayas n'ya ba ang pamilya namin sa mansyon at inutusang magpakalayu-layo? I don't know anything."

"Alam mo, hindi na importante kung ano talaga ang nangyari. Ang mas importante ay magkita at magkausap kayo ni Phil. You're both in love with each other at kailangan n'yong ipaglaban 'yan sa abot ng makakaya n'yo."

Alam ko naman iyon. But at that time, hindi ko lang talaga alam kung paano. Gusto kong lumaban pero pakiramdam ko ay nakatali ang mga kamay ko.

"Ibibigay ko ang address n'yo kay Phil," biglang sabi ni Kim. "Obviously, wala kang sapat na pera, kaya hindi ka basta-bastang makakabyahe pabalik rito. Tutal, si Phil naman ang may kotse, might as well s'ya na ang kumilos. I'll give him your address at s'ya na ang bahala kung ano ang gagawin niya."

Nakaramdam ako ng takot. Paano kung hindi n'ya ako puntahan? Paano kung sumuko na pala s'ya? Makakaya ko bang tanggapin ang sakit at disappointment?

"O-okay."

Pero masyado ng maraming nangyari para matakot pa ako. Sa dami ng pinagdaanan namin, ngayon pa ba ako magpapakaduwag? I've already risked everything. I've laid all my cards kaya gagawin ko na lang ang lahat para manalo sa sugal na pinasukan ko.

***

March 2009

NAGHINTAY ako na dumating si Phil pero hindi 'yon nangyari. Hindi s'ya dumating kahit alam na n'ya kung nasa'n ako. Siguro naman hindi s'ya ikinulong at itinali ng mommy n'ya, 'di ba? May choice pa rin s'ya kung pupuntahan n'ya ako o hindi. Pero mas pinili niyang mag-give up sa relasyon namin.

I felt miserable. Walang araw na hindi ako umiiyak. Hindi ko matanggap na sa gano'ng paraan lang natapos ang relasyon namin. Bakit sobrang dali lang? Kung ga'no ko katagal pinangarap ang relasyon na 'yon ay gano'n rin ito kabilis naglaho. I couldn't accept it.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon