💫 XXXIV 💫

10.4K 504 94
                                    


Chapter Thirty-Four:
Rebound?!

***

THEN
November 2008


YOHAN'S POINT OF VIEW

THE concert was fun. Hindi ko akalaing mage-enjoy pala ako even though it wasn't my thing. Ayoko ng maraming tao, siksikan at maingay. But I was quite surprised that I actually enjoyed it. Maybe because I was with the right people. Matagal ko ng alam na masayang kasama sina Mikaela at Kim sa kahit anong bagay. They were my people and eversince naman ay nae-enjoy ko na talaga ang company nila. But Trevor... He was super fun to be with!

"Shit, bakla! Naka-jackpot ka kay Trevor," ani Mikaela habang nasa CR kami. Nakaharap kami sa salamin at busy siya sa pagre-retouch. "Ang hot na, ang sarap pang kasama!"

"Pa'no naman ako naging maswerte, magkaibigan lang naman kami."

Gusto kong klaruhin sa kanila na walang namamagitan sa amin ni Trevor. At wala ring mamamagitan in the future, because I had no plans or whatsoever na magkaro'n ng relationship sa kanya more than just being friends. Tsaka, hindi rin naman siguro n'ya ako magugustuhan romantically. Napaka-assuming lang naming magkakaibigan.

"Hay naku, bahala ka. Kung magpapatuloy ka d'yan sa pagpapaka-Maria Clara mo, ako ang susunggab do'n sa boylet mo."

"Gaga! Hindi ko boylet 'yon. Tsaka, feeling ko mas maganda siguro kung we remain as friends na lang. He's fun to be with and he's really nice. Kaibiganin na lang natin. Hanggang do'n lang talaga, bakla. 'Wag na nating ipilit ang mga bagay-bagay."

"But we both know na hindi lang kaibigan ang tingin sa iyo n'ong tao."

"What are you talking about? Alam mo, ikaw, napaka-malisyosa mo."

"Totoo naman, ah. He's so into you. Kitang-kita naman. Kung makatitig s'ya sa'yo, malalaman mo talagang may something s'ya sa'yo, eh."

"Nilalagyan mo lang ng ibang meaning. Tumigil ka nga. Tsaka, feeling ko naman straight 'yon."

"Straight pero nanonood ng concert kasama natin?"

"Friendly lang talaga 'yong tao. 'Wag ka ngang judgemental."

"Ay, hindi ako judgemental. I'm just telling you the truth."

'Ewan ko. Hindi ko lang talaga ma-imagine si Trevor na may gusto sa'kin. Kakakilala lang namin. Yeah, I liked his personality, so far, but it didn't mean na gusto kong maging more than friends kami. I wasn't over Phil yet and it would be unfair to him kung gagamitin ko s'ya para maka-move on.

My stand about rebounds remained intact. Ayoko sa rebound kasi feeling ko ang selfish. Ayokong nandadamay ng inosenteng tao para lang maka-move on. I might end up hurting and ruining that person. I couldn't bear the thought of someone getting hurt just so I would feel better.

Nang matapos sa pagre-retouch si Mikaela ay lumabas na kami para bumalik sa concert. Pero nakasalubong namin si Phil. I simply gave him a single nod bago hinila si Mikaela palayo.

"Ay, gano'n? Nod-nod na lang ang drama n'yo?"

"

Yeah, as mabuti na ang ganito. Lesser interactions."

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon