💫 XII 💫

11.2K 586 77
                                    

Chapter Twelve:
J for Jealous

***

THEN
June 2008


"KAILAN pa kayo naging close?"

Hindi ko maintindihan kung bakit n'ya itinanong 'yun. Gusto kong isipin na nagseselos s'ya, pero masyado naman yatang far-fetched ang idea na 'yun. Bakit naman s'ya magseselos? Tsaka, wala rin naman s'yang dapat na ipagselos.

"We're not really close. Nagkita lang kami accidentally and decided to eat dinner together. He offered to take me home. I don't even know kung bakit ko 'to sinasabi sa'yo because I clearly don't owe you an explanation."

"Akala ko ba bestfriend mo ako? Natural lang na magtanong ako."

"Ows, talaga? Bestfriend mo 'ko? Sorry ha, kasi the last time I checked, mas inuna mo ang pagtatampo mo sa friendship natin. Hindi ka naman siguro nagka-amnesia, 'di ba?"

Hindi s'ya sumagot at tiningnan lang ako nang masama. Hindi rin ako nagpatalo at sinalubong ko ang titig n'ya. Ano'ng akala n'ya sa'kin? Mahina? Pwes, matira ang matibay.

"Lock the gate pagkapasok mo," istriktong utos n'ya bago ako tinalikuran at pumasok ng mansyon.

"May security guard kayo!" pahabol ko para lang inisin s'ya. He didn't listen and just continued walking. "Hay naku, Kuya Bert, abnormal ang señorito natin," sabi ko sa on duty na security guard.

"Wala lang siguro sa mood."

"Abnormal pa rin s'ya. Sige ho, goodnight!"

Kung patuloy n'ya akong susungitan, pwes, magsusungit rin ako. Tapos na akong mag-sorry sa kanya. Ibinaba ko na ang pride ko't lahat-lahat. Bahala na s'ya sa buhay n'ya. Pero naisip ko na para iwas-gulo na rin, mas okay siguro kung bibigyan ko na lang s'ya ng silent treatment. Ayoko ng patulan ang ka-abnormalan n'ya.

***

"MAGBA-BIKE ka?" gulat na tanong ni papa sa'kin. "Ang tagal mo ng hindi nagbibisikleta papuntang eskwelahan, ah. Hindi ka ba sasabay kay Phil?"

"Exercise lang po, 'Pa."

"Gano'n ba? O, sige, mag-iingat ka."

Mas mabuti na rin siguro 'to. Baka mas makakapag-move on ako kay Phil kapag dumistansya ako sa kanya. The more kasi na malapit ako sa kanya, and the more na may interactions kami, mas lalo akong naga-assume at umaasa. It was not helping me anymore.

"Holy shit!"

Napamura ako nang biglang may bumusina habang nagbibisikleta ako. Hindi pa ako nakakalayo sa mansyon nina Phil. In fact, nasa loob pa rin ako ng exclusive subdivision kaya walang maraming sasakyan sa kalsada. Kaso nga lang, dahil sa gulat ko, muntik na akong matumba kasama ang minamanehong bike.

"Ba't ka nagbibisikleta?" tanong ni Phil na nakadungaw mula sa nakabukas na bintana ng kotse n'ya. Naka-glasses s'ya habang bahagyang nasisinagan ng sikat ng araw ang kagwapuhan n'ya. Shit na malagkit naman, oh!

"Exercise."

"What?"

"Exercise. Healthy living."

"Seriously?"

"Yes. And to save Mother Earth."

"To save Mother Earth or to save money?"

"Both."

Muli kong pinatakbo ang bisikleta habang nakasunod s'ya sa'kin.

Diretso lang ang pagpapatakbo, Yohan. Dire-diretso lang. Ignore his presence, my logical conscience encouraged me.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon