Chapter Six:
The Art of Denial***
NOW
January 2018PART of me thought it was stupid while the other part wanted me to just do it and allow myself to get lost in his kisses again. Good thing, mas pinairal ko ang isang bahagi ng isip ko na nagsasabing katangahan kung makikipaghalikan ako kay Phil. Kasi alam kong s'ya ang weakness ko. He could make me do anything the moment I allowed myself to be intimate with him. Gano'n ako ka-in love sa kanya. Gano'n katindi ang epekto n'ya sa'kin, and that was something I didn't want to admit.
Kasi kahit sinaktan n'ya ako at kahit galit ako sa kanya, alam kong isang halik lang n'ya ay mawawala na ang lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko. Ito mismo ang iniiwasan ko. I wanted to keep this pain and anger for as long as I could. I wanted to keep this bitterness for now because I was hoping that it could help me unlove him.
But who was I kidding?
Hindi ako sure kung kaya ko ba talaga s'yang i-unlove. Baka forever na lang akong ganito. Forever na lang siguro akong masasaktan at magagalit which was sad. Kasi dahil dito, sinasarado ko na ang chances na makakita ng ibang taong magmamahal at magpapasaya sa'kin. Maybe one of these days, pakakawalan ko na lahat ng excess baggage dito sa dibdib ko. Soon, but definitely not now.
"Mali 'to," matigas kong turan at itinulak s'ya. Sinubukan ko ulit na ipasok ang susi sa doorknob pero nanginginig ang mga kamay ko. Shit, shit! Ano ba, kamay, ba't ka nanginginig d"yan? Mag-cooperate ka naman, please!
"Alin ang mali?"
"Lahat ng 'to," mahina kong sagot.
"We were about to kiss each other and I'm damn sure that I saw longing in your eyes. You were anticipating for that kiss. You wanted it to happen."
I stiffled a fake laugh.
"Wow. Ang kapal, ha."
"Bakit, hindi ba?"
"Of course not. Why would I want to kiss you?"
"Because you're still not over me."
Finally, nabuksan ko rin ang pinto. Pero bago ako pumasok sa kwarto, hinarap ko s'ya. Pinilit kong gawing blangko ang expression ko, as if hindi ako affected sa presence n'ya.
"What makes you think that I'm not yet over you?"
"Alam mo sa sarili mo, Yohan. Mahal mo pa rin ako."
"Sorry to disappoint you, pero mali ka."
Hindi ko na s'ya hinayaang makasagot pa. I went inside the room and slammed the door bago pa man s'ya makapagsalita ng kung ano para isampal sa akin ang katotohanan na mali ako at tama sya. Na totoong hanggang ngayon ay in love pa rin ako sa kanya.
He was completely right. Pero hindi n'ya na kailangan pang malaman 'yun.
Humilig ako sa nakasarang pinto at ipinikit ang mga mata ko. I heaved a deep sigh upang pakalmahin ang sarili ko. Walang kahulugan ang nangyari kanina. Yes, muntik akong nagpadala sa kahinaan ko. Pero hindi ibig sabihin n'on na ako pa rin ang Yohan na nagpakatanga sa pag-ibig at naging luhaan sa huli.
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...