Chapter Twenty-Two:
Offer***
NOW
January 2018YOHAN'S POINT OF VIEW
BUONG araw akong nag-surfing sa Cloud Nine. Nagbe-break lang ako para kumain at magpahinga sandali, 'tapos balik ulit ako sa pagsu-surf. Para akong naadik sa pagsabay sa hampas ng alon. It gave me an exhilirating feeling. Napaka-priceless ng experience. Mas mabuti na rin 'to para malayo ako kay Phil. Hindi ko alam kung nasa'n s'ya buong araw, and I didn't care.
"Hi."
Akala ko, I would finally enjoy a Phil-free day, but I was wrong. Nasa isang café ako kaharap ng beach, umiinom ng mango shake, enjoying the relaxing and chill ambiance while witnessing the breathtaking view of sunset. Tale note: iba ang sunset sa Siargao! Iba ang ganda, hindi ko rin ma-explain kung bakit at paano. Okay na sana, eh. Perfect spot, perfect drink, perfect view. Kaso may dumating namang peeeerfect na panira.
He sat beside me. His hair was wet and messy while his polo was unbuttoned. Mukhang kakagaling lang din n'yang mag-surfing. Mabuti naman at hindi kami nagkita kanina. Sana hindi na rin s'ya nagpakita sa'kin kung kailan patapos na ang araw.
"'Tagal naman ng order ko," he said when he noticed na wala akong planong mag-open ng topic. "How was your day?"
"Great." Bago ka nagpakita.
"Had fun surfing?"
I eyed him suspiciously.
"Were you stalking me the entire day?"
"Luh. Grabe s'ya mambintang, oh."
"Bakit, hindi ba?"
"Hindi naman talaga, ah. Nag-surfing lang din ako. Bawal na ba akong mag-surfing dito sa Cloud Nine?"
Nahiya naman ako ng slight sa balat ko. Bakit ba kasi ang hilig-hilig kong mag-assume? Wala naman s'yang reason para i-stalk ako. Tsaka, I had to remind myself na hindi naman masyadong malaki ang Siargao Island para hindi kami magkita. Lalo pa't pareho kaming nasa General Luna na s'yang kapital ng tourism dito sa isla.
Ibinaba ko ang baso ng shake sa mesa at tumayo.
"Tapos na ako. Sige, enjoy your drink." I was about to go when he stopped me. Hinawakan n'ya ang kanang kamay ko which made me stunned. Aya'n na naman ang mga pesteng butterflies sa tiyan ko.
"Alis ka na agad? Sabay na tayo."
"N-no." I tried to sound like I wasn't affected by his touch. "And please, 'wag mo akong hawakan."
Mabilis naman n'yang tinanggal ang kamay n'ya mula sa pagkakahawak sa akin, and then gave me a nervous laugh.
"S-sorry." Parang hindi si Phil ang kaharap ko ngayon. He was always confident. Pero bakit parang kinakabahan s'ya? He seemed like he was treading on a thin ice. "A-ahh, can we have dinner tonight?"
"Yes."
"Really?" He smiled widely at parang nawala ang kaba n'ya, napalitan ng tuwa.
"Of course. But separately."
"H-huh?" Kung gaano s'ya kabilis natuwa, gano'n din kabilis nawala ang ngiti sa labi n'ya.
"Magdi-dinner ako kung sa'n ko gusto, ikaw naman magdi-dinner ka rin kung sa'n mo gusto."
"I mean, gusto ko sanang mag-dinner kasama ka mamaya."
"Why?" istriktong tanong ko.
"Kailangan ba ng rason to have dinner with you?"
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...