💫 XXXVI 💫

10.5K 457 40
                                    

Chapter Thirty-Six:
Love You Better

***

NOW
January 2018

YOHAN'S POINT OF VIEW

"MY head is spinning," reklamo ko at ibinagsak ang bote ng beer sa bar counter. Nakaupo sa tabi ko si Phil na enjoy na enjoy pa sa pag-inom ng beer niya. Halos hindi ko na s'ya makita nang maayos dahil bukod sa nahihilo ako ay patay-sindi rin ang ilaw sa club.

We were drinking in RumBar for the past two hours. Hindi pa nagsisimula ang party no'ng dumating kami. Hanggang sa dumating na ang maraming tao ay hindi pa rin kami natapos sa pag-iinuman. I liked the place. It felt like it was in the middle of nowhere. Malayo 'yon sa mga kabahayan at mga beach resorts. In fact, madilim na madilim sa labas at puro kakahuyan lang ang makikita mo.

"Lasing ka na? Ang weak," biro niya.

"Fuck you, Phil. Alam mo namang hindi talaga ako umiinom."

"Yeah, fuck me."

He gave me a malicious grin which made me blush.

"Baliw ka talaga!"

Bakit ba kasi ako pumayag na makipag-inuman sa kanya? Basta't ang naalala ko ay sobra akong naging affected no'ng pinatugtog ang Realize sa restaurant kung saan kami nag-dinner kanina. Iyon siguro ang dahilan kung bakit n'ya ako napapayag na maglasing kasama s'ya.

"Ano, kaya mo pa?" he asked using a challenging tone.

"No," hindi ako nagpadala sa panghahamon n'ya. Hindi talaga ako sanay na naglalasing. "I wanna go home."

"Sa Manila? Naku, wala ng eroplano ngayon."

"Ha-ha. Funny ka, pwede kang comedian. Ang ibig kong sabihin, gusto ko ng bumalik sa resort."

"Mage-eleven pa lang. The night's still young."

"Young nga, pero lasing na talaga ako."

"May alam akong bar malapit dito. Mas chill do'n, hindi maingay. Do'n muna tayo mag-chill."

"Hindi mo naman ako na-inform na magba-bar hopping pala tayo. 'Wag ngayon, Phil. I can't take it na talaga."

Natawa lang s'ya sa'kin. Pero wala talagang nakakatawa sa sitwasyon ko. Umiikot na ang paningin ko and I was internally scolding myself kung bakit ako uminom at nagpakalasing kahit hindi naman ako sanay.

"Fine, let's go back to the resort."

Dahil hindi naman n'ya dala ang nirentahang motorsiklo, naglakad kami sa napakadilim na kalsada. Sobrang dilim talaga at ang buwan at mga bituin lang ang nagsilbing ilaw namin.

"Bakit ba kasi hindi na lang tayo sumakay ng habal-habal? Kita mo na ngang lasing ako, pinaglalakad mo ako."

"Enjoy pa kasi ako sa pag-akbay sa'yo, eh. Parang gusto ko pang i-extend ang moment na 'to kasi hindi na 'to mauulit 'pag hindi ka na lasing."

"Fuck you!"

"Kanina ka pa fuck you nang fuck you sa'kin, ah. Are you being suggestive, Yohan?"

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon