💫 LI 💫

8.6K 386 41
                                    

Chapter Fifty-One:
Sacrifices

***

THEN
June 2009

"YOHAN, baka gusto mong sumama sa amin. May bagong bukas na bar malapit lang dito," anyaya ni Maris, isa sa mga katrabaho ko sa pinagtatrabahuan kong fastfood resaurant.

"Naku, sorry, hindi ako pwede. Next time na lang," I politely declined habang nagpupunas ng mesa.

Ten minutes na lang at matatapos na ang shift ko. Makakauwi na rin ako after a long and busy day.

"Sige na nga, palalampasin ka na muna namin ngayon. Pero sa susunod, kailangang sumama ka na, ah."

"Try ko," natatawang sagot ko na lang.

After ng shift ko ay kaagad na akong nagpalit ng damit at kinuha ang bag ko na iniwan ko kanina sa locker. Pagkalabas ko ng restaurant ay nakita ko naman kaagad si Phil na nakatayo sa tabi ng kotse n'ya. He waved at me. Damn, his sexy smile was enough para makalimutan ko lahat ng pagod ko sa buong araw.

"Hi," he greeted me with a tight hug, and then gave me a quick kiss kahit nasa public place kami. Hindi nakaligtas sa akin ang judgemental na tingin ng mga tao sa paligid.

Bahala kayong mamatay sa inggit! sabi ko na lang sa isip ko.

"How's class?" I asked him pagkasakay namin sa kotse.

"Nothing special. First day pa lang kasi, eh. You know, usual stuff."

Tumango-tango lang ako. He was starting the ignition of the car habang tinu-turn on ko ang car stereo. The song "Realize" filled the air and calmed my nerves.

"Ito na siguro ang themesong natin, 'no?" natatawang wika niya habang nagda-drive. Traffic na dahil inabutan na kami ng rush hour.

"Hmm, why not?"

"How's work?"

"It was fun." I lied.

Ayokong sabihin sa kanya na nahihirapan na ako. Ayokong malaman n'ya na napagalitan ako kanina ng manager dahil nakabasag ako ng pinggan at plato at makakaltas iyon sa sweldo ko. Ayoko ring malaman n'ya na dalawang rude customers ang di-neal ko today na kung makainsulto sa akin ay parang binili nila pati pagkatao ko.

As much as possible, I tried to hide my hardships dahil ayokong makadagdag sa hirap n'ya. Nagtatrabaho rin kasi s'ya bilang isang waiter sa restaurant na pag-aari ng pamilya ng kaibigan n'ya. Alam kong hindi s'ya sanay sa hirap, and I've witnessed how hard it was for him to adjust.

Tapos ngayon ay nagsimula na ulit ang pasukan. Isa na s'yang working student kaya mas lalo s'yang mahihirapan. May pressure na nga sa school, 'tapos may trabaho pa. Hindi iyon ang buhay na nakasanayan ni Phil, and I honestly felt bad for him.

I offered to help him. Sabi ko, hindi na muna ako babalik sa pag-aaral this school year para matulungan s'ya. Tutal ay nag-stop na rin naman ako, magtatrabaho na lang muna ako pansamantala. Sa umpisa ay hindi s'ya pumayag. Matigas ang pagtutol n'ya, but I was able to convince him in the end.

I didn't mind sacrificing a little bit for him. I wanted him to pursue his dreams. Ayokong maapektuhan ang pag-aaral n'ya dahil sa akin.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon