💫 XV 💫

11.5K 509 82
                                    

Chapter Fifteen:
The Fake Cinderella

***

THEN
July 2008

LUMIPAS ang isang buwan mula no'ng nagkaroon kami ng tampuhan ni Phil. In fairness to him, bumawi naman talaga s'ya sa'kin. Araw-araw na kaming magkasabay pumasok at umuwi galing sa school. Palagi rin s'yang nanlilibre ng kung anu-ano. Hindi na rin naman bago ang mga bagay na 'yun dahil palagi na naman n'ya iyong ginagawa mula pa noon. Mas mabait lang s'ya ngayon at minsan na lang ako binubwesit.

Hindi pa rin s'ya sumusuko sa paghahanap kay Cinderella kahit ilang beses ko na s'yang dinis-courage. Pinaimbestigahan n'ya sa organizers ng birthday party n'ya ang mga bisita. Ipinaisa-isa n'ya ang lahat ng dumalo para malaman kung sino sa kanila si Cinderella. Pati CCTV footage ay ipinakuha rin n'ya na para bang may krimeng naganap. Syempre, nahirapan pa rin silang i-identify ako. Nakita nga ako sa CCTV footage pero hindi nila ma-pinpoint kung sino ako sa mga nasa guest list.

"Tigilan mo na nga ang kahibangan mo, Phil. Sa tingin ko naman ay magpapakilala rin s'ya sa'yo kapag handa na s'ya," I told him habang nagmo-movie marathon kami sa kwarto n'ya. Kaso, wala naman sa palabas ang atensyon n'ya.

"Sana nga magpakilala s'ya sa'kin. Tsaka kung mangyayari man 'yun, kailan pa?"

"Kalimutan mo na lang muna s'ya. Let her surprise you."

"Ah, basta. Hindi ako titigil. Kung kinakailangan kong kumuha ng private investigator, gagawin ko."

"Seryoso?"

"Oo naman."

"Gagastos ka at kukuha ng private investigator just to feed your curiosity?"


"Gusto ko lang naman s'yang makilala."

"Curiosity lang ba talaga 'yan, Phil, o iba na? Alam kong mayaman ka pero hindi ka naman siguro maglalabas ng malaking pera dahil lang sa curiosity mo. Kukuha ka pa talaga ng detective, ah."

"'Ewan ko. I really want to meet her at gusto ko ring malaman kung sino s'ya sa likod ng maskara. Sabi ko nga sa'yo, para syang familiar na hindi ko ma-explain."

"Familiar?"

"Oo, I felt comfortable when I was with her. Iyong pakiramdam na sa'yo ko lang na nararamdaman. Alam mo 'yun? Parang she's your female version."

Shit na malagkit!

Kung may kinakain lang siguro ako, for sure nabilaukan na ako. Bakit umabot sa point na naa-associate na n'ya ako sa Cinderella na nakasayaw n'ya?

"Anong kalokohan na naman 'yan? Sinasabi ko sa'yo, babatukan na talaga kita, Phil."

"I know it sounds crazy, but for a short while, I thought you were her. Na baka wala ka sa birthday party ko kasi nagpanggap kang babae to prank me. Pero no'ng nag-confess s'ya ng feelings n'ya at bigla na lang umalis, do'n ko nasigurado na hindi nga ikaw 'yun."

Parang hihimatayin ako sa mga sinabi n'ya. Nagpa-panic na ako. Pero umarte ako na parang wala lang sa'kin ang mga narinig ko. Hindi ako pwedeng magpahalata kung ayaw kong mabisto n'ya.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon