💫 VII 💫

11.7K 549 59
                                    

Chapter Seven:

The Cinderella Moment

***

THEN
June 2008


LIKE what happened to Cinderella, nagsimula na ang party nang dumating ako. Maraming tao. Lahat ay mga mayayaman at kilala sa alta sosyedad. I felt out of place. Pero tinanggal ko sa isip ko iyon. Walang makakaalam na mahirap lang ako. Wala ring makakaalam na hindi ako babae. Sa gabing ito, I'm a different person. Hindi ako si Yohan. I'm just a mysterious girl na darating at mawawala sa party na 'to pagkatapos kong magawa ang gusto ko.

Nakita ko si Phil na nakatayo sa makeshift stage. May orchestra band sa likod nya habang nakaharap naman sa kanya ang isang malaking cake. Nakatayo naman sa kanyang tabi ang mommy nya na may hawak na microphone. Nag-deliver ng birthday greeting si tita na halos hindi na nag-register sa utak ko. The moment my eyes landed on Phil, kumakabog na ng malakas ang puso ko. Ang gwapo talaga nya kahit nakamaskara. Mas lalo tuloy na-emphasize ang matangos nyang ilong at ang kissable lips nya. Yohan, ang kalandian mo, ha! Maghunus-dili ka!

Kung saan-saan na umabot ang isip ko hanggang sa napansin ko na lang na tumutugtog na ang orchestra band ng Happy Birthday. Lahat naman ay nakikanta, including me. He looked happy up there. But I knew better. He was just trying to act as if he's ecstatic para matuwa sa kanya ang mommy nya. This kind of party is definitely not his thing. Isang malaking ka-cornyhan para sa kanya ang lahat ng 'to.

"Happy, happy birthday, son!" His mother greeted him again pagkatapos naming kumanta.

They hugged each other at nagpalakpakan naman ang lahat. Gusto kong matawa dahil alam kong nakikipag-plastikan lang si Phil. Isa sa mga hinihiling ko ay sana magkaayos silang mag-ina balang araw. His mother loves him fiercely in her own weird way.

"Before you blow the candles, hijo,  would you mind telling us your wish?"

Ngumiti muna si Phil at saglit na nag-isip bago tinanggap ang microphone. He showed everyone his killer smile and his dimples. No wonder, mas lalong nagkagulo ang mga kakabaihan

"OMG! Ang gwapo talaga ni Phil," sabi ng isang babae na nakatayo sa harap ko.

"And he's super hot! Ang swerte ng magiging girlfriend n'ya," the girl beside her agreed and they both giggled.

"Did you mean, ako? Kasi feeling ko, ako ang magiging girlfriend n'ya, eh."

"No way in hell. He's mine!"

Akala ko magsasabunutan na silang dalawa. Mabuti na lang at sinaway sila ng isang matandang babae na narinig ang kanilang pagbabangayan. Buti nga sa kanila. As if naman mapapasakanila si Phil, 'no. They're not his type. Kilala ko ang bestfriend ko at alam ko ang mga klase ng babaeng gusto n'ya. Okay, wait, ang bitter ko ng pakinggan. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko kay Phil.

"First of all, I'd like to thank you guys for being here. I appreciate it, really. As for my wish... Well, ayokong magyabang, but there's nothing much I could ask for. My mother sees to it that my life is comfortable kaya parang nakakahiya naman to ask for more. Siguro world peace na lang?" Nagtawanan ang lahat sa sinabi n'ya. "Nah, just kidding. I'd leave the world peace thing to the beauty queens. Siguro, ang wish ko na lang, sana makarating ang bestfriend ko tonight. Tinraydor ako ng loko, eh!" Nagtawanan ulit ang lahat — except for me. "Sige, 'yun lang. Thank you ulit!" Then he blew the candles.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon