Chapter Forty:
That "Someone"***
THEN
December 2008YOHAN'S POINT OF VIEW
NAKA-PARK ang kotse ni Trevor sa harap ng malaki nilang bahay. Ako lang mag-isa do'n dahil pumasok muna si Trevor sa bahay nila para kunin ang tent at iba pang mga gagamitin namin sa camping.
Seriously, bakit kasing-yaman rin yata nina Phil sina Trevor? Pang-mansyon rin kasi ang level ng bahay nila at lamang lang ng konti ang kina Phil.
Wala akong masyadong alam sa buhay ni Trevor. Basta ang alam ko ay nagtatrabaho sa isang TV station ang parents n'ya. He grew up with parents who are very active and involved in the world of journalism, that's why he wanted to be like them.
Habang hinihintay na bumalik si Trevor ay tumawag ako sa mama ko. Sinabi ko na hindi ako makakauwi dahil mago-overnight kami kina Kim. Kilala naman nila ang mga kaibigan ko kaya pinayagan nila ako. Hindi rin naman kasi mahigpit ang mga magulang ko because I never gave them any reason to doubt me. Still, I felt bad for lying.
"Sorry to keep you waiting," ani Trevor nang makabalik siya. Nilagay muna n'ya sa likod ang tent, guitar, at mga pagkain bago pumwesto sa driver's seat.
"Okay lang. Five minutes ka lang yatang nawala, eh."
"OA naman 'yong five minutes. At least ten minutes rin naman siguro."
Pinaandar na ulit n'ya ang kotse at nagsimula na kaming bumyahe. Since pareho kaming hindi pa nag-dinner, kumain muna kami sa isang fast-food restaurant bago nag-resume sa biyahe.
The beach was two-hours away from the city. It was owned by one of their family friends at kakilala ni Trevor ang halos lahat ng staff do'n. He was a people person. Napaka-charming at napakabait sa lahat ng taong nakakasalamuha niya.
Siya ang nag-set up ng tent since hindi naman ako marunong. In return, ako na lang ang nag-set up ng bonfire. Habang busy sa kanya-kanya naming ginagawa ay nagkukwentuhan lang kami at nagtatawanan. Sobrang sarap kausap ni Trevor dahil may sense of humor s'ya at kapag seryoso naman ang usapan ay napakarami n'yang baong words of wisdom.
"You don't tell me a lot about yourself," puna ko habang nakaupo kami sa harap ng bonfire. Kumakain kami ng chips na pinaresan ng soda. "Samantalang ako, alam mo na yata halos ang buong kwento ng buhay ko. 'Daya mo."
He chuckled.
"Well, you never asked."
"So, kailangan ko lang magtanong?"
"Yup." He casually nodded. "Just ask, sasagot naman ako."
Minsan kasi, nagdadalawang-isip ako kung okay lang ba na magtanong ako sa kanya. He was nice and funny, pero he had an aura na para bang nagsasabing his personal life was none of anyone's business.
"Talaga lang, ah? Sige nga, subukan natin."
"Baka naman mawalan ng career si Tito Boy dahil sa'yo, ah."
"Pwes, humanda ka. Mahirap akong magtanong. Papahirapan kita."
"Sige nga, subukan mo."
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...