💫 XXXVIII 💫

10.2K 471 104
                                    

Chapter Thirty-Eight:
Hurt

***

THEN
December 2008

YOHAN'S POINT OF VIEW

INVITED kami ng mga magulamg ko sa Christmas Party ng kompanya nina Phil. Palagi naman kaming invited every year, and it used to be one of the things na nilu-look forward ko. Their company celebrated Christmas by sharing their blessings to those who are in need. Gustong-gusto ko na nakakapunta ako sa iba't-ibang mga orphanage at communities kada taon para makatulong.

It was one of the firsts that I needed to go through without Phil. Dati kasi ay pareho kaming excited sa Christmas party ng kompanya nila. Hindi man halata, but he had a big heart at mapagbigay s'ya sa mga nangangailangan.

"Sure kang kaya mo?" ani Trevor habang nakaupo kami sa classroom.

Hindi pumasok ang professor namin sa subject na 'yon. Okay na rin kasi last day na rin naman ng klase bago mag-Christmas break. Vacation mode na lahat ng estudyante and we just wanted to chill inside the classroom.

"Oo naman. Tsaka malaki naman ang orphanage. I'm pretty sure kaya kong iwasan s'ya buong araw. No big deal," I casually said kahit sa totoo lang, I was already dreading the day na makakasama ko na naman s'ya sa iisang lugar pero hindi naman kami nagpapansinan.

"Bukas na 'yon, 'di ba?"

"Yup."

"You can bring me, baka sakaling makatulong. Pwede mo naman sigurong sabihin sa mommy n'ya na may dadalhin kang kaibigan."

I thought about it, but I realised that it was probably not a good idea. Ayokong isipin ni Phil na gusto ko s'yang pagselosin. Kung s'ya ay nagawa akong pagselosin nang harap-harapan, ako ay hindi ko gagawin 'yon intentionally. 'Ewan ko, ang childish lang kasi para sa'kin. Hindi na kami mga bata para magselosan pa.

Kung darating ang araw na may ibang lalaki na akong mamahalin—which was something I couldn't even imagine—kailangan n'ya 'yong respetuhin. Kung s'ya naman ang makikipagrelasyon sa iba—which was probably happening already—kailangan ko ring tanggapin 'yon. I asked for it.

"Thanks for the offer, but I think, hindi na kailangan. Kaya ko na 'to, Trevor. Malaki na 'ko," biro ko.

"Concerned lang naman ako. Baka kasi masaktan ka na naman. Pa'no kung dadalhin niya si Lalaine? Papatayin ka n'ya sa selos do'n. Mas mabuti kung nando'n rin ako, para kung in case na magbago ang isip mo at gusto mong gumanti, matutulungan kaagad kita."

I chuckled. Parang sira din 'tong si Trevor minsan, eh.

"Alam mo, ikaw, minsan gusto kong palayuin ka sa mga kaibigan ko. Naiimpluwensyahan ka na sa mga kademonyuhan ng dalawang 'yon, eh."

Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Ang saya kayang kasama nina Kim at Mikaela. No dull moments."

"Agree naman ako d'yan."

Pagkatapos ng lahat ng klase namin—kung klase nga bang matatawag ang pagtambay sa classroom—magkasabay kaming lumabas ni Trevor ng classroom. Imi-meet sana namin sina Mikalela at Kim sa cafeteria kaso nakasalubong na naman namin si Phil. Pero mukhang hindi lang naman s'ya basta nakasalubong. He was really walking towards our direction na para bang may kailangan siya.

"Yohan." 'Tang ina, binanggit lang niya ang pangalan ko pero halos mag-palpipate na ako.

"Phil. May kailangan ka?" I tried to sound unaffected, as usual.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon