Chapter Thirty:
Hate How Much I Love You***
THEN
November 2008POINT OF VIEW
AFTER mag-dinner ay tumambay kaming lahat sa beach. We formed a circle habang may bonfire sa gitna namin. Napapagitnaan ako ni Mikaela (na busy magpa-cute sa boys) at Kim (na nasa camera naman ang focus habang nagche-check ng mga kinunan n'yang photos kanina).
Phil was on the other side with his friends. Hindi kami magkatabi dahil hindi pa naman alam ng friends n'ya ang tungkol sa'min, which was better for the meantime. It wouldn't make sense naman kasi if we told them everything even though we're not yet officially together. Malabo pa ang lahat sa'min. Kaya kung sasabihin man namin sa kanila kung ano ang namamagitan sa amin, tsaka na kung kami mismo ay sure na kung ano talaga kami.
"Oh, inom ka." Inabutan ako ni Mikaela ng isang bote ng beer.
"Alam mo namang hindi ako naglalasing, 'di ba?"
"Isang bote, maglalasing agad? C'mon, nagbabakasyon tayo, Yohan. Mag-enjoy ka naman."
"Kaya kong mag-enjoy nang hindi umiinom, okay? Bahala kang maglasing d'yan."
"Ang OA naman nito. Okay lang naman kahit maglupasay ka sa kalasingan d'yan kasi may boyfriend ka namang mag-aalaga sa'yo."
"Anong boyfriend ang pinagsasabi mo d'yan? Tigilan mo nga ako."
"Hindi pa nga boyfriend, 'di ba?" singit ni Kim na nakikinig naman pala sa'min. "May pini-figure out pa raw 'yong tao. Ito namang kaibigan natin, waiting mode."
"Ay, oo nga pala, 'no? Nakalimutan ko," pagsakay naman ni Mikaela. "Ipinaglihi nga pala sa waiting shed itong si Yohan."
"Hoy, hinaan n'yo nga ang boses n'yo. Baka marinig kayo ni Phil." I looked at his direction. Fortunately, busy rin siya sa pakikipag-usap at pakikipag-inuman sa mga kaibigan niya.
"Ay, I don't care, bakla. In fact, mas mabuti ngang marinig n'ya para alam n'yang hindi namin gusto ang set up n'yong dalawa ngayon," matapang na wika ni Kim pero mukhang naawa naman sa akin kahit papa'no dahil hininaan n'ya ng konti ang boses.
"In-explain ko naman nang mabuti sa inyo, 'di ba? Tsaka, alam ko namang hindi ako sasaktan ni Phil intentionally. And he's making me happy."
"Hanggang kailan? Okay, ayokong magtunog-bitter dito, ah. Ayoko ring isipin mo na nagpapaka-kontrabida ako, because I'm not. Pero gusto ko lang ipa-realize sa'yo that you're settling for less. He's figuring things out, 'tapos gusto n'ya, maghintay ka muna? Eh, pa'no kung 'pag nag-figure out na n'ya, ma-realize n'yang hindi naman pala ito ang gusto n'ya? Na straight pala talaga s'ya at babae ang gusto niyang mahalin?" diri-diretsong wika ni Kim. Wala siyang preno kahit alam niyang masasaktan ako.
"Agree ako d'yan, bakla, sorry," ani Mikaela who tried to sound calm and soft para lang siguro hindi makadagdag sa nararamdaman kong sakit. "Pa'no kung iba sa inaasahan mo ang ma-figure out n'ya? Pa'no kung para sa kanya, trial-and-error lang pala 'to? Where would that leave you? Eh, ikaw, hulog na hulog ka na sa kanya."
Hindi ako nakapagsalita. Alam ko kasi na may point silang dalawa. Pero ano'ng gagawin ko? Ipe-pressure ko ba si Phil? Ayoko namang gawin 'yon. That was the problem with me. I was too nice to the point that I'd rather suffer kesa may mahirapan dahil sa'kin. I know, parang tanga, but that's me. Sa case namin ni Phil, parang mas gugustuhin ko pang magtiis sa uncertainties than to put pressure on him.
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...