Chapter Sixty (FINALE)

11.3K 466 176
                                    


NOW
June 2018

PHIL'S POINT OF VIEW

IT was my birthday pero si Yohan ang plano kong sorpresahin. I wanted to take our relationship to the next level. Siguradung-sigurado na ako sa kanya and I intend to keep him forever. We've been through a lot and I know I couldn't be happier without him. Hindi ko na siya pakakawalan. I would love him until my last breath.

"Happy birthday, anak," my mother approached me and hugged me tightly. Hindi ko namalayan na pumasok pala siya sa kwarto ko.

"Thanks, 'mum." I hugged her back. Words couldn't explain how happy I was when she finally accepted us. Alam kong hindi naging madali para sa kanya pero sinubukan pa rin niya.

"So, are you ready?" she asked habang inaayos ang kwelyo ko. I was wearing a red long-sleeved polo na pinatungan ko ng black suit.

"Yes. Ready and excited," I answered with a huge smile. "Pero kinakabahan rin po ng konti."

"Normal lang 'yan. Syempre, this is a life-changing moment for the both of you. Alam ko namang pinag-isipan mo ng mabuti ang desisyon mong 'to, anak. I trust you and I fully support your decision. Yohan is a wonderful person and you deserve each other. Now, where's the ring?"

May kinuha akong maliit na kahon mula sa bulsa ko at binuksan iyon. My mother smiled when she saw the ring inside it.

"Maganda po ba?"

"Of course. Perfect choice."

It was an expensive diamond ring which I bought when I went to Paris for a business trip. Of course, nothing but the best for him. Alam kong magrereklamo iyon sa presyo ng ring. Yohan was a simple person and he didn't like anything extravagant. Masaya na siya sa mga simpleng bagay. But I wanted to give him a very special ring.

Habang pinagmamasdan ko ang singsing ay naalala ko ang araw na napansin kong may nag-iba na sa nararamdaman ko para sa bestfriend ko.

---***---


"Sino ba naman kasi'ng nagsabi na makipagsuntukan ka sa mga gagong 'yon?" sermon ni Yohan habang ginagamot ang sugat ko sa loob ng kotse. Inutusan muna namin ang driver ko na bumili ng snacks para makapag-usap kami na kaming dalawa lang.

"Those jerks were bullying you," rason ko naman.

"What's new? Phil, elementary pa lang tayo, tinutukso na akong bakla. At 'yong mga varsity players na nakaaway mo kanina, sanay na ako sa kanila. Hindi ko na nga lang sila pinapansin, eh."

"Hindi mo kailangang masanay sa pambu-bully nila sa'yo kasi kaya ko naman silang patigilin."

"Graduating na tayo sa highschool. Hindi pwedeng madumihan ang records mo. 'Pag nag-college na tayo, hindi na natin makikita ulit ang mga gagong bullies na 'yon. Kaya mangako ka sa'kin na hindi ka na ulit makikipagbasag-ulo, okay?"

"As long as they stay away from you."

He sighed, a sign that he was already losing his patience. Seriously, he was too nice. Ilang beses na siyang tinutukso pero ni minsan ay hindi siya pumapatol. Tuwing nakikipag-away naman ako sa kanya ay nagagalit naman siya. Para saan pa na naging bestfriend niya ako kung hindi ko siya ipagtatanggol, 'di ba?

"Aray!" Napaigtad ako dahil sa kirot nang idiin niya ang bulak sa sugat ko. "Dahan-dahan naman."

"Masakit pala? Ano, uulit ka pa?"

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon