💫 XXIII 💫

10.7K 539 55
                                    

Chapter Twenty-Three:
The Truth

***

THEN
September 2008

YOHAN'S POINT OF VIEW


I WAS SO DONE.

I didn't know how it happened. I didn't know how things went totally crazy and messed-up. Kung pwede lang sana na maglaho na parang bula, ginawa ko na. Naghalo-halo na ang panic, kaba at takot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Bakla ka! May quiz kami ngayon. Mapapatay ako ng mga magulang ko 'pag nalaman nilang nag-cut ako ng klase," reklamo ni Mikaela habang nasa pinakasulok kami ng isang café.

"Gaga! 'Wag mo munang isipin 'yan. Kailangan tayo ng kaibigan natin," ani Kim. "Pa'no ba kasi nangyari 'yon? I mean, we were just finalizing our plans, 'tapos biglang ganito."

Sumasakit na ang ulo naming tatlo.

Unang bumungad sa amin sa university kaninang umaga ay ang nakalagay sa bulletin board. May nagdikit ng mukha ko na nasa katawan ng isang sexy model. May caption na: YOHAN IS GAY! 'tapos may isa pang picture naming dalawa ni Phil na ang caption naman ay: Naks! Kilig na kilig si bakla!

Pinagkaguluhan ng student body ang nakalagay sa bulletin board. Ang masaklap, magkasama pa kami ni Phil no'ng nakita namin 'yon. Nag-panic ako at nakaramdam ng hiya. Nanliit ako sa sarili ko. Lahat naman ng estudyante ay nakatingin sa akin at halatang nagpipigil ng tawa.

Bago pa man makapagsalita si Phil ay mabilis na akong tumakbo. I knew it was a wrong move dahil para ko na ring sinabi na guilty ako at totoo ang mga nakalagay sa bulletin board. Pero hindi ko kasi alam kung ano'ng gagawin ko kaya tumakbo na lang ako palabas ng university at tinawagan ang mga kaibigan ko. Nakipagkita ako sa kanila sa pinakamalapit na café sa university.

"For sure, si Andrea ang may kagagawan ng lahat ng 'to," Mikaela concluded. "Naku, mapapatay ko talaga ang bruhang 'yon!"

"Wala naman sigurong ibang nakakaalam ng plano mo na sabihin kay Phil ang tungkol sa condition ni Andrea, 'di ba?" tanong ni Kim.

"Tayong tatlo lang ang nakakaalam."

"She's definitely wicked and scheming, mga bakla. Inunahan na n'ya tayo before we even declared a war. Now, what we have to do now is ayusin ang gulong 'to bago natin resbakan ang babaeng 'yon," ani Mikaela.

"Honestly, wala na akong pakialam kung makaganti man ako kay Andrea o hindi. Ang gusto ko lang ay ayusin ang gulo na 'to. Nag-aalala ako sa reaskyon ni Phil," sabi ko sa kanila.

"Ano'ng plano mo?" nag-aalalang tanong ni Kim. "Kasi kung kanina, nagawa mong mag-walkout, I'm telling you, hindi mo matatakbuhan ang lahat ng 'to forever. Kailangan mo s'yang harapin at sabihin sa kanya ang totoo. It's been years mula no'ng na-realize mo ang feelings mo para sa kanya. Don't you think it's about time na malaman n'ya ang totoo? I know it's easier said than done, but still, it has to be done. Harapan mo 'to, Yohan."

"If he chooses to keep your friendship after n'yang malaman ang pagiging bakla mo at ang nararamdaman mo sa kanya, ibig-sabihin, mabuti s'yang kaibigan. 'Wag mo na lang isipin kung masusuklian ba n'ya ang feelings mo o hindi, because we know na mas malabo pa 'yan sa mata ng lola ko. Ang i-prioritize mo ngayon ay ang peace of mind mo," Mikaela added. He rarely gets serious kaya alam kong kailangan ko talaga s'yang pakinggan.

Kaya nakapagdesisyon akong sabihin na kay Phil ang totoo. Kung deserve n'yang malaman ang tungkol sa  condition ni Andrea, mas deserve n'yang malaman na hindi ako straight at matagal na akong may gusto sa kanya. He was my bestfriend and he deserved to know the truth... he deserved my honesty. Bahala na kung masira man ang friendship namin dahil dito.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon