💫 III 💫

14.5K 578 61
                                    

Chapter Three:
The Game-Changing Plan

***

THEN
June 2008

MAG-BESTFRIEND ang Papa ko at ang Daddy ni Phil back when they were still in highschool. Their friendship has been tested throughout the years, but they remained strong despite all the challenges. Mas maswerte lang sa buhay ang daddy ni Phil dahil nagmula ito sa may-kayang pamilya at naging successful rin itong negosyante. He was a risk taker and it all paid off. Si Papa ko naman, despite his skills and abilities, wasn't able to get a comfortable life. Masipag naman si Papa, hindi lang talaga sinwerte. At oo, naniniwala ako sa swerte at malas. Kasi kung hindi 'yan totoo, bakit hindi naging mayaman si Papa kahit sobrang matalino at matiyaga s'ya? But he never lost hope and he never blamed anyone or anything for his misfortunes.

Dahil mas naging komportable ang buhay ng daddy ni Phil, kinuha n'ya ang papa ko bilang driver n'ya. Pero kahit kailan ay hindi n'ya tinrato si papa bilang isang utusan. Kaya naman hangang-hanga ako sa friendship nilang dalawa. Si mama naman ay kinuha bilang househelper sa mansyon nina Phil. Oo, mansyon ang tinitirhan nila. Literal na luxurious ang buhay ng pamilya ng bestfriend ko. But they never looked down on us. In fact, naging magkaibigan rin ang mommy nya at ang mama ko. Sa kasalukuyan ay si mama na ngayon ang mayordoma sa mansyon nila.

Sa kanila rin kami nakatira mula no'ng nagtrabaho ang mga magulang ko para sa pamilya nila. Nasa likod ng mansyon ang bahay namin. Hindi man ito kasing elegante ng bahay nila, sobrang comfortable naman at maganda rin ang pagkakagawa. Kaya masasabi kong malaki ang utang na loob ng pamilya namin sa kanila.

Mula pagkabata ay magkaibigan na kami ni Phil. We've been there for each other eversince. Halos wala nga kaming sikreto sa isa't-isa. Well, except sa sexuality ko at sa feelings ko para sa kanya.

When his father died because of a vehicular accident, ako ang palaging nasa tabi n'ya to comfort him. Nakita ko kung pa'no nawasak ang mundo n'ya. He closed his doors at hindi hinayaang makapasok ang kahit na sino sa malungkot n'yang mundo. Even his mother failed to reach out to him. No'ng namatay kasi ang 'dad n'ya, his mother took over their businesses and got too occupied to the point na halos hindi na s'ya nito naaalagaan. Hindi iyon nakatulong kay Phil dahil mas lalo s'yang naging aloof.

He built a wall between him and the rest of the world and became so distant. He allowed darkness to eat him alive, pero hindi ko s'ya sinukuan. I stayed beside him kahit ilang beses n'ya akong pinagtabuyan. Hanggang sa unti-unting bumalik ang dating masiyahin na Phil. Our friendship saved him, iyon ang palagi n'yang sinasabi sa akin.

"This better be important, or else, tatadyakan talaga kita," pambungad ko nang pumasok ako sa kwarto ni Phil. Tinawagan ba naman ako ng alas 10 ng gabi dahil may sasabihin daw s'yang importante.

"May problema ako," mahinang sabi n'ya habang nakahiga sa kama. Nanatili akong nakatayo sa kanyang harap dahil wala naman akong planong magtagal. Antok na antok na ako at may pasok pa kami bukas. Ewan ko ba kung ano'ng trip ng isang 'to.

"Ano nga? Sabihin mo na at nang makatulog na 'ko."

"Gustong gawing masquerade party ni mommy ang birthday ko."

Kitang-kita sa mukha n'ya ang inis. Gusto kong matawa sa reaksyon n'ya pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong magpaka-bestfriend at damayan s'ya.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon