💫 V 💫

12.7K 555 59
                                    

Chapter Five:
The Masquerade Party

***

THEN
June 2008

"SHIT! Ang ganda mo, Yohan!"

I stared in awe at my reflection and gasped in disbelief. Parang ibang tao ang nakikita ko sa salamin. Hindi ko lubos maisip na ako at ang mala-prinsesang babae na nakikita ko ay iisa. Mikaela did an amazing job transforming me into a real-life Cinderella! Hindi ako makapaniwala.

"Ayoko na. Nai-insecure na ako sa ganda mo, bakla. Ako ang totoong babae sa ating dalawa, pero dinaig mo ang kagandahan ko. Life is so unfair," pagmamaktol ni Kim, but admiration was evident on her face. Both of them were standing beside me habang nakaharap kaming tatlo sa salamin.

"Ako ba talaga 'to?" pabulong kong tanong.

"OA na, mga bakla. Sige na, Yohan, tumayo ka na d'yan at baka ma-late ka pa sa party. Naghihintay na ang Prince Charming mo. Sige ka, baka makakita 'yun ng iba."

I simply chuckled.

Nagawa talaga nila akong i-convince sa plano nila. Yes, it was risky, pero gusto ko pa ring subukan. Kahit isang gabi lang, gusto kong maramdaman na may pag-asa ako sa bestfriend ko. That he could see me as someone special, but not as his best bud. Mag-iilusyon lang muna ako sandali. Isang gabi lang naman, eh. Baka pwede kong pagbigyan ang sarili ko.

Tumayo ako at pinagmasdan ang Cinderella-inspired ballgown ko. Talagang pinanindigan ko na ang pagiging Cinderella For A Night. Sana lang maging successful at walang magiging aberya.

Bahala ka sa buhay mo. Ginusto mo 'to, kaya be prepared for the consequences. Labas ako d'yan. Hindi ako nagkulang sa paalala, my killer joy inner goddess reprimanded me.

Ay naku, 'wag mong i-overthink ang mga bagay-bagay! Just do it and enjoy the moment. Come what may, in-uplift naman ako ng isang bahagi ng isip ko.

Lumabas kami sa bahay nina Kim kung saan nila ako inayusan, pagkatapos ay pumara kami ng taxi. Habang bumibyahe ay patuloy sa malakas na pagkabog ang dibdib ko. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Nasusuka ako na natatae na hindi ko ma-explain. Parang gusto kong umatras pero ayoko rin namang sayangin ang effort ng mga kaibigan ko.

Ngayon ko lang na-appreciate ang traffic. Para kasing gusto kong i-delay nang i-delay ang pagpunta ko sa birthday party ni Phil.

"O, kumusta ka naman d'yan, gurl?" tanong ni Kim na nakaupo sa frontseat katabi ng taxi driver. "Komportable ka ba d'yan? Buhay ka pa?"

"Nangangati ako, tsaka hindi ako makahinga nang maayos."

"Ganya'n talaga, hindi ka sanay sa ganyang damit, eh."

"At wala rin naman akong planong sanayin ang sarili ko. Isang beses ko lang 'tong gagawin. Una at huling beses na 'to. Promise." Hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag ako sa trip nila.

"Ang OA mo," ani Mikaela. "Oh, basta ha, 'pag may emergency, nasa labas lang kami ng mansyon nina Phil. Ire-rescue ka namin. So, don't worry."

Na-touch naman ako sa pagiging supportive nila sa akin. Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko.

"Salamat."

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon