Chapter Thirteen:
Reconciliation***
THEN
June 2008PARA akong pinasabogan ng bomba sa sinabi n'ya. I stiffened. Halos hindi ako makahinga at pinagpawisan ako ng malamig. Nanatili akong nakatitig sa kanya habang nakapikit s'ya at kung anu-ano ang sinasabi. He had no idea how much his words affected me habang s'ya ay walang kamalay-malay dahil sa kalasingan.
Ano raw? Pinagseselos ko s'ya? Bakit naman s'ya magseselos? At kanino? Huwag mong sabihing nagseselos s'ya sa amin ni Kyle? Wala namang dapat ipagselos. O baka hindi lang s'ya sanay na may iba akong kaibigang lalaki na ka-close? Maski na. Wala pa rim s'yang karapatang magselos.
"Baliw ka talaga, Phil. Pinapasakit mo ang ulo ko," sabi ko't tumayo na tsaka lumabas ng kwarto n'ya. Mukhang hindi ko kayang mapalapit sa kanya nang matagal pagkatapos ng sinabi nya.
'Wag mo na lang bigyan ng malisya ang sinabi nya, Yohan. He's drunk at halos wala nga s'yang malay nang sabihin n'ya 'yun, I advised myself to stop me from assuming and hoping.
Oo, tama. Wala lang 'yun. Lasing lang si Phil kaya n'ya nasabi ang bagay na 'yun. Tiyak na hindi na n'ya maaalala ang mga sinabi n'ya bukas 'pag nahimasmasan na s'ya. Kaso, ang nakakainis, hindi ako pinatulog ng sinabi n'ya. Masyado akong affected.
Kinaumagahan, bumangon akong walang tulog kahit isang minuto. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang eye bags ko. Jusko, para akong zombie. Kasalanan 'to lahat ni Phil. Pero kasalanan ko rin naman 'to. Bakit kasi pinuntahan ko pa s'ya sa kwarto n'ya kagabi? Sana hinayaan ko na lang s'ya, tutal marami namang katulong sa mansyon na pwedeng mag-alaga sa kanya.
"Yohan, bilisan mo na d'yan at nakakahiya kay Phil," sabi ni papa habang nasa loob ako ng kwarto at nagsusuklay ng buhok. Naka-uniform na ako at handa ng pumasok sa school.
"Po?"
"Sabi ko, bilisan mo at nakakahiya kay Phil," ulit n'ya at dumungaw sa pinto ng kwarto ko.
"Bakit po nakakahiya kay Phil?"
"Nasa sala si Phil, naghihintay sa'yo. Sabay raw kayong papasok."
"Ano?!"
"O, ba't parang gulat na gulat ka? Para namang hindi kayo magkasabay pumasok sa eskwela mula pa no'ng mga bata kayo."
"Pero..." We're not in good terms, gusto ko sanang idugtong pero naalala kong hindi pala iyon pwedeng malaman ng mga magulang ko. "Sige po, bibilisan ko na."
Abot-abot ang kaba ko nang lumabas ako ng kwarto at naabutan si Phil na nakaupo sa sala. When he saw me, mabilis s'yang tumayo. Akala ko nandito s'ya para makipag-ayos sa akin. I was wrong dahil mukha pa rin s'yang masungit.
"Tara na," malamig n'yang tugon. "Uncle, alis na po kami. Salamat po sa kape kanina."
"O, sige, hijo. Mag-iingat kayo.
Naunsa s'yang lumabas sa akin, wala pa ring kangiti-ngiti ang mukha. Ang sungit ng mokong. Parang matandang nagme-menopause.
"'Pa, alis na po ako," paalam ko at nag-mano. "Pakisabi na lang po kay mama na umalis na ako." Kasalukuyan kasing namamalengke ang mama ko no'n.
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...