💫 XVII 💫

10.8K 512 69
                                    


Chapter Seventeen:
Glimpse

***

NOW
January 2018

TAHIMIK kaming pareho habang nasa bamboo raft na nakalutang sa gitna ng Sugba Lagoon. We've been there for almost twenty minutes pero wala pa ring nagsasalita. Nakahiga s'ya at nakatingala sa kalangitan habang ako naman ay nakaupo at nakasubsob ang mga paa sa tubig. Nakatalikod ako sa kanya dahil ayokong ma-distract sa hubad n'yang katawan.

"Mali 'yun," bigla kong sinabi, finally breaking the silence. I couldn't handle the awkward atmosphere anymore kaya mas mabuting pag-usapan na namin 'to.

"Ang alin?"

Napakamot ako sa ulo. Of course, he wouldn't make it easy for me. He was going to make me say the word to make this even more awkward. Kaya mas mabuting diretsuhin ko s'ya.

"The kiss."

"What's so wrong about me kissing you and you kissing me back?"

"Everything. Everything about it was wrong!" Ayoko sanang sumigaw dahil baka sabihin n'yang affected ako. Kaya lang hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.

"You're not in a relationship, aren't you?"

"That's not the point." Hinarap ko s'ya at sakto namang bumangon s'ya at tiningnan ako. Shit! Dripping waters in his sparkling abs! Heaven! "Phil, pwede ba..." Nag-iwas ako ng tingin para hindi ako mag-focus sa abs n'ya. Tumingin na lang ako sa napakalinaw na tubig ng lagoon.

"What's wrong? Ba't hindi ka makatingin sa'kin?" He teased me. "Do you find my body too distracting?"

"Excuse me?" Muli akong lumingon sa kanya to prove a point. "O-of... Course..." Okay, marupok nga siguro ako. Nag-iwas ulit ako ng tingin, or else, tutulo ang laway ko at mapapahiya ako sa kanya. "Of course not."

"Yeah, sure."

"Hindi nga, okay?"

"Okay. I believe you."

Bakit ba kasi ang hot n'ya? Ang unfair para sa ibang mga lalaki sa mundo. Kung noon ay napapa-nganga na ako tuwing nakikita ko s'yang shirtless, ngayon ay mas matindi ang epekto ng katawan n'ya sa'kin. His body was to-die-for. Mas defined na ang muscles n'ya ngayon. Mas nakakapaglaway.

C'mon, Yohan! Abs lang 'yan!

Abs na highschool pa lang kayo ay pinagpapantasyahan mo na!

Maski na. You're more matured now. Ba't ka magpapaapekto sa abs? Jesus! Grow up, gurl!

Tama! Hindi ako dapat nagpapaapekto sa abs n'ya. I need to focus on the matter at hand, hindi sa maganda n'yang katawan.

"Hindi na dapat maulit ang nangyari kanina," seryoso kong sinabi habang nakatingala sa langit. "Mag-ex tayo at hindi dapat naghahalikan ang mag-ex."

"Sino'ng may sabi?"

"Common knowledge 'yan, Phil. Tanga ka ba?"

"It was just a kiss."

Just a kiss. 

Hindi ko alam kung bakit bigla akong may naramdaman na disappointment sa sinabi n'ya. Parang nainsulto rin ako na hinalikan n'ya ako nang wala lang. Nagbibiro ba s'ya? Napaka-casual ba ng kiss para sa kanya? Kung casual lang para sa kanya 'yun, ilan na kaya ang hinalikan n'ya nang wala lang? And NO, I am not jealous. Curious lang, masama ba?

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon