💫XLIII💫

11.1K 437 55
                                    

Chapter Forty-Three:
Fireworks

***

THEN
December 2008

YOHAN'S POINT OF VIEW

"ALAM kong kating-kati ka ng sagutin s'ya, bakla. Pero utang na loob, magpakipot ka naman kahit konti lang. Kahit isang linggo, pwede na 'yon!" biro ni Kim.

Kausap ko ang mga kaibigan ko sa loob ng isang fastfood restaurant kung saan kami nagkita for lunch. Sinabi ko na sa kanila ang tungkol sa confession ni Phil. Kinilig sila at naging masaya para sa'kin. Pero syempre, hindi na siguro mawawala 'yong may konti silang doubt. Naiintindihan ko naman na concerned lang sila sa'kin.

Kahit naman ako, hindi ko rin mapigilang magkaro'n ng doubts. It felt too good to be true kasi, eh. Alam mo 'yong halos nasanay na ako na puro na lang sakit at lungkot, 'tapos biglang magiging sobrang saya ng mga pangyayari sa buhay ko? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka panaginip lang ang lahat, at kapag nagising na ako, balik uli sa realidad. But I chose not to entertain negative thoughts.

Normal lang naman siguro ang nararamdaman kong takot. Pero sabi nga ni Phil, liligawan n'ya ako at patutunayan ang sarili n'ya sa'kin. Siguro naman, magagawa n'yang tanggalin ang doubts at fears sa puso ko. Syempre, ako rin mismo ang magsisikap na matutong magtiwala sa kanya. He deserved not just my love but also my trust.

"Ang tagal na kasi ng storya namin. Ang dami ng sakitan na nangyari. Parang ayoko ng i-delay pa ang happy ending," paliwanag ko naman sa kanila.

"Oy, oy, oy, tigilan mo kami, bakla. Alam kong in love ka, and all you can see are hearts, rainbows, and unicorns. Feel na feel mong magpaka-cheesy. Pero, reality check—at hindi ako KJ, FYI lang—happy ending is just an illusion," ani Kim.

"Hindi ka nga KJ, bitter lang. Mahal ka ba ng nanay mo, bakla?" pabirong komento ni Mikaela.

"Totoo naman, ah. Yohan, itong tandaan mo, hindi porke't mahal ka na ni Phil at liligawan ka n'ya, ibig-sabihin ay happy ending na. Because the truth is, simula pa lang ito ng mas maraming trials. I don't mean to scare you. I'm just stating facts para maihanda mo ang sarili mo."

"Alam ko naman. Hindi dito natatapos ang lahat. Pero ang importante, pareho na naming mahal ang isa't-isa. Goodbye unrequited love na mga bakla!"

Nagngitian sila.

"Iyan naman talaga ang mas mahalaga," Mikaela agreed. "We're so happy for you, bakla. Basta i-enjoy mo lang ang moment kasi you really deserve to be happy. Ingat-ingat lang ng konti sa puso mo, but don't let your fears and worries ruin your happiness," advice ni Mikaela.

Biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Si Phil?" ani Kim na may misteryosong ngiti.

Nakangiti akong tumango tsaka tumayo at lumabas muna bago sinagot ang tawag.

"Hello, Phil?"

"Where are you?"

"Nagla-lunch with Kim and Mikaela."

"May lakad pa ba kayo after?"

"Baka magmu-malling sandali."

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon