💫 XLVI 💫

9.8K 417 48
                                    

Chapter Forty-Six:
Make Love

***

THEN
December 2008

YOHAN'S POINT OF VIEW

THE bar we went to was just a good ten-minute-walk from the inn. Kaya naman naglakad na rin kami pauwi. Hindi naman kami nalasing dahil tig-iisang bote lang ng beer ang nainom namin. Wala rin naman kaming plano na magpakalasing dahil mamamasyal pa kami bukas. We just wanted to have a drink and chill before going to sleep.

Tahimik ang daan. May mangilan-ngilan lang na sasakyang dumaraan paminsan-minsan. Wala rin kaming kasabay sa paglalakad. It was not creepy at all, though. May lamp posts naman at maliwanag rin ang buwan. In fact, the ambiance was very romantic. O baka lahat na lang ay romantic 'pag kasama ko si Phil. Ganito siguro talaga 'pag in love.

"Tingin mo magtatagal tayo?" Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko para itanong 'yon.

"Anong klaseng tanong 'yan?" Humigpit ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko at napahinto sa paglalakad. Hinarap n'ya ako while wearing a serious look. Napalunok tuloy ako't kinabahan. "Why would you even ask that question? Do you have doubts about our relationship?"

"Sorry, it was a stupid question. Never mind," pag-iwas ko sa topic na ako naman mismo ang nagbukas. Unfortunately, he didn't buy it. Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko and forced me to meet his eyes. "Phil..."

"I know that you have fears and uncertainties. But we just need to hold on to our love for each other. Alam ko naman na marami tayong pagdadaanan, eh. Let's face it, hindi magiging smooth-sailing ang relasyon natin. We will be judged by the people arond us. Hindi rin natin alam kung ano'ng magiging reaction ng parents natin after we tell them na may relasyon tayo. Hindi natin alam kung ano'ng mangyayari at kung ano ang pagdadaanan natin. Pero isa lang ang alam ko: hindi natin bibitiwan ang isa't-isa."

"Pa'no kung-"

"Stop overthinking. We'll stick together, lalaban tayo at hindi tayo maghihiwalay."

I nodded even though my fears were starting to overpower my mind. Ang daming negativities ang pumapasok sa isip ko, and I didn't know how to fight them.

Akala ko tapos na ang usapan at maglalakad na ulit kami pabalik sa inn. But I noticed na palapit na nang palapit ang mukha niya sa'kin. Our lips were mere inches away from each other. Nalalanghap ko na ang mainit n'yang hininga na amoy-beer pero sobrang addictive pa rin ang epekto sa'kin. Idinikit n'ya ang mga noo namin at inilagay naman n'ya ang mga kamay ko sa ilalim ng bulsa kanyang jacket.

He started kissing me under the lamp post. Ni hindi man lang n'ya inisip na baka may biglang dumaan at makakita sa'min. He kissed me passionately and it took me only a few seconds to be carried away. I returned his kisses fiercely. Tumitigil lang kami saglit para maghabol ng hininga 'tapos ay maghahalikan ulit na parang walang bukas.

"I love you," he whispered while catching his breath.

"I love you more."

"No, I love you more than you can ever imagine."

Tahimik naming itinuloy ang paglalakad nang magkahawak-kamay pa rin. All my worries were temporarily forgotten dahil lang sa isang intense and mind-blowing kiss na pinagsaluhan namin sa gilid ng kalsada (for fuck's sake!) buti na lang talaga at walang nakakita sa amin. Kung may nakakita man, 'buti na lang at hindi na sila nag-react.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon