Chapter Eight:
Breakfast With Ex***
NOW
January 2018I DIDN'T have to prove anything to him. Dapat wala akong pakialam kung maniwala man s'ya o hindi na naka-move on na ako sa kanya. Pero I took his bait, and I ate breakfast with him para lang maniwala s'ya that I have totally moved on. Ma-pride na kung ma-pride, but I couldn't have him thinking that I was still in love with him. No way. Kahit 'yun naman talaga ang totoo, I still had to keep my pride intact at all cost.
"Ang bilis mo naman yatang kumain. Baka mabilaukan ka," pansin ni Phil habang kumakain kami.
It turned out na nagpahanda pala s'ya ng breakfast para sa aming dalawa sa may poolside. Gano'n sya ka-confident na papayag akong kumain na kasabay s'ya.
Hindi ko alam kung bakit sya um-effort ng gano'n. Or maybe I knew the reason, but I was just too afraid to let it sink in. Takot ako na baka mali na naman ako at mag-assume na naman ako. Kaya mas mabuting 'wag na lang bigyan ng meaning ang mga bagay-bagay. It was safer that way.
"Naghihintay sa'kin 'yung habal-habal driver sa labas. Nakakahiya naman. One and a half hour na nga akong late," I explained while I tried to focus my attention on the foods.
"Ganya'n ka ba talaga?"
Bigla akong tumigil sa pagkain at tumingin sa kanya. Halos hindi ko napansin na umurong pala ang kutsara sa bibig ko.
"Ang cute mo." He chuckled.
"I know," I said nonchalantly and continued eating. "Back to your question. Ano ba ako ngayon?"
"Ganya'n."
"Huh? Explain mo."
"You're too serious. Pati pagbakakasyon, masyado mong siniseryoso. Ayaw mong ma-late sa tour, eh, you can do it on a later time or date naman. You know what? I wouldn't even be surprised 'pag sinabi mong planned-out ang stay mo rito sa Siargao from day one up to your last day here."
"Planned-out nga. I made a schedule for everything to make sure na masusulit ko ang bakasyon ko rito. Is there something wrong with that?"
"Wala naman. That's your choice, eh. Pero 'wag naman sanang umabot sa point na mamadaliin mo na lang ang pagkain or aalis ka nalang without having a proper meal just to stick to your schedule."
He sounded like my mother scolding me to eat properly. His concerned voice touched my heart, but I tried not to let it affect me. Aya'n! Ganya'n nga, Yohan. 'Wag assume nang assume.
"Don't mind me. Buhay ko 'to at bakasyon ko 'to. Okay?"
"Ang sa'kin lang naman, a vacation is supposed to be relaxing and fun."
"I feel relaxed naman, ah. And I'm definitely having fun. Kaso lang dumating ka. Aya'n tuloy, nasira."
"Ouch."
"Sorry not sorry."
"Please be a little gentle with my heart, Yohan."
"'Di ako marunong, eh. Sorry."
Ang hirap maging masungit kung sobrang gwapo ng pinagsusungitan mo. Ang kaso, itinatago ko na lang sa pagsusungit ang kilig ko kaya kailangan kong pagbutihin ang acting ko.
Tumahimik naman s'ya at kumain na rin, sa wakas. Hindi ko inakalang mangyayari pa 'to, na sabay kaming kakain ng breakfast. Ang akala ko talaga, tapos na ang lahat sa amin at wala akong choice kundi tanggapin 'yun at mag-move on na lang. Hindi ko napaghandaan ang unexpected sequel na 'to. Ni minsan ay hindi pumasok sa imagination ko na babalik pa s'ya sa buhay ko at magpapaka-sweet ng ganito. Never in my wildest dreams.
"So, you're now working for a call center company. Balita ko rin, Team Leader ka na ngayom," aniya pagkatapos ng sandaling katahimikan. I knew it. Sandali lang ang peace na kaya n'yang i-offer sa akin.
"Ano pa ba ang ibang alam mo sa buhay ko? Wait, pina-imbestigahan mo ba 'ko?"
"Aya'n ka na naman sa paga-assume mo, ah. That's all I know. Na nasa call center ka at isa ka ng TL."
"Yes, tama ka."
"Pa'no ka napasok sa call center industry? 'Di ba Journalism ang course mo?" Napansin siguro n'yang nairita ako kaya mabilis n'yang dinugtungan ang sinabi n'ya. "Hey, don't get me wrong, hindi ko nilu-look down ang mga call center agents. In fact, bilib ako sa inyo. Your job is so difficult. Ang hirap kaya ng graveyard shifts."
"Defensive much?"
"Just being cautious. Baka kasi offensive ang dating ng sinabi ko."
"Well, to answer your question, nag-call center ako dahil mahirap ang buhay. Yes, graduate ako ng Journalism. Pero mahirap maghanap ng trabaho na related sa kurso ko lalo na't wala akong title at connectiom. Sobrang tindi ng competition. And since marami na rin namang nasa call center, I tried to apply. Nagustuhan ko ang offer. Reasonable salary tapos may perks and bonuses pa. So, ayu'n, tuloy-tuloy na."
Napansin ko na habang nagsasalita ako ay nakatitig s'ya sa'kin. Para bang interesadung-interesado s'ya sa ikinukwento ko. Na-realize ko rin na 'yun na yata ang pinaka-mahabang sinabi ko sa kanya nang hindi nagsusungit.
"From a call center agent, ngayon TL ka na. Nakaka-proud, ah."
Na-conscious naman ako bigla. Yumuko na lang ako at sumubo ng pagkain.
"Hardwork," simpleng sagot ko.
"Hardworking ka naman talaga kahit noon pa. May pangarap ka talaga para sa pamilya mo and that's one of the things I like about you."
Hindi ko gusto ang tinatahak ng usapan namin. Para kasing papunta na sa past. Ang past na hindi ko na gustong pag-usapan pa as much as possible. Kaya naman mabilis akong uminom ng tubig at pagkatapos ay tumayo.
"Tapos na akong kumain."
"Konti lang 'yung kinain mo, ah. Nabusog ka ba?"
"Oo naman. Walang dragon sa tyan ko, kaya easy ka lang."
"Okay."
"Magtu-tour na ako. Kung sasama ka talaga, kumuha ka na lang ng sarili mong habal-habal, okay?"
"No need. Nag-rent na ako ng motor."
"Good for you."
"Baka gusto mong umangkas?"
"No, thanks."
💫 TO BE CONTINUED 💫
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...