PRE-WEDDING
Yohan's POV
PLANNING a wedding can be very stressful. I didn't realize it until now. Ang daming kailangang isipin, maraming factors na dapat i-consider at mga details na hindi mo pwedeng kalimutan. I just wanted a simple wedding but I wanted it to be as perfect as possible. It's going to be a very special day for me and Phil kaya gusto kong maging maayos ang lahat. Hindi ko rin maibigay ang full attention ko sa pagpaplano because of my hectic work schedule. I guess kailangan ko na ngang i-consider ang suggestion nina Mikaela na kumuha ng wedding planner.
"Good morning."
I instantly smiled when I saw Phil waiting for me outside the building. Nakahilig lang siya sa kotse niya wearing his business suit, nakapamulsa, naka-shades while flashing me his infamous boyish grin. Tumatama sa mukha niya ang sinag ng araw na dumagdag lang sa kagwapuhan niya. Fuck, ito ba talaga ang mapapangasawa ko?
"Good morning," I greeted him back. He kissed me passionately pero kaagad ko iyong pinutol dahil nasa public place kami.
"Gusto ko ng isipin na kinakahiya mo ako," kunwari'y nagtatampong sabi niya.
"'Wag mo akong dramahan, ang aga pa," bale-walang sagot ko at diri-diretsong sumakay sa kotse.
"Wala ka talagang konsiderasyon sa feelings ko. You're too harsh for my gentle heart," biro niya nang makapwesto sa driver's seat. "Where to?"
"Bahay."
"Hindi ka mag-aalmusal?"
"I'm sure naman nagluto si Mama. Do'n na ako kakain para makapasok ka na rin agad sa trabaho." Humikab ako. Night shift kasi ako, as usual. Gising ako buong magdamag kaya gusto ko na talagang umuwi. Kung pwede nga lang i-skip ang meal, gagawin ko. Sleep is lifer.
"I can always come to work anytime," he said while driving. Good thing at hindi pa masyadong ma-traffic.
"Oo na, Mr. CEO."
He grinned.
"Bakit parang iba ang pumapasok sa isip ko everytime you call me Mr. CEO?"
"Like what?"
"Like fucking your brains out in my desk." Sakto namang naka-stop kaya nagawa niyang lumingon sa akin at kumindat.
"Perv!"
"Look who's talking!"
Sabay kaming nagtawanan. Baliw talaga kahit kailan si Phil. Isa rin ito sa mga reasons kung bakit hinahayaan ko siyang sunduin ako sa office tuwing umaga. I love our light and funny morning conversations. Nakakalimutan ko lahat ng stress ko.
"Don't forget our vacation next week, ah," he reminded me.
"Next week na nga pala iyon. Yeah, okay na ang schedule ko." I can't wait to go back to Siargao Island with him. Finally, makakapag-relax na rin ako. I've been working tirelessly lately. Kailangan ko rin talaga ng break.
"Yup, so prepare yourself." He gave me a malicious grin which made me laugh so hard.
"Prepare for what?"
"Mapapagod ka."
"Huh? Ba't naman ako mapapagod? Kaya nga tayo magbabakasyon, eh."
"Basta mapapagod ka."
"Ah, oo. Kaka-surf siguro. God, na-miss kong mag-surfing sa Cloud 9."
"We both know I'm not talking about surfing."
"'Ewan ko sa'yo. Baliw ka."
"Baliw sa'yo."
"Ang corny mo."
Ilang saglit lang ay dumating na kami sa bahay. My mother invited him to eat breakfast pero tapos na raw siya. Inihatid lang talaga niya ako sa bahay to make sure na safe akong makakauwi. Gano'n siya ka OA. But it was actually sweet. Alagang-alaga ako ni Phil. Walang araw na hindi ako nagpapasalamat na may isang Phil sa buhay ko. He made my life extra special. 'Pag nai-stress na ako sa work, he would always do something to make me feel better. He was so thoughtful. Minsan, hindi ko pa alam kung ano ang kailangan ko, alam na niya at binibigay na niya kaagad iyon.
It felt too good to be true. Minsan natatakot ako na baka isang araw, bawiin lahat ng magagandang bagay na meron sa buhay ko. You can't blame me, though. I've been through a lot of pain and heartaches bago ko nakamit ang happy ending namin ni Phil. Nakaka-trauma rin. But I try not to dwell on negative thoughts kasi ayokong sirain ng mga iyon ang masayang buhay ko kasama ang taong mahal ko.
"O, gising ka pa?"
Nagulat ako nang sumungaw mula sa pinto ng kwarto ko si Phil. Nakahiga na ako pero nakatutok ang mga mata ko sa cellphone kaka-Messenger. Sina Mikaela at Kim kasi, umagang-umaga pa lang, ang iingay na sa Group Chat namin sa Messenger.
"You're still here? Akala ko nakaalis ka na," sabi ko at inilagay ang phone ko sa bedside table.
Pumasok siya at naupo sa tabi ko.
"Pinilit talaga ako ng Mama mo na kumain kahit konti lang."
"Okay lang 'yan. Masarap namang magluto si Mama, eh," natatawang sabi ko. Mahal na mahal siya ng parents ko. Bago pa man kasi naging kami, mag-bestfriend na kami at parang anak na ang turing nila kay Phil mula pa noon.
"The best!" Nag-approve sign siya. "Eh, medyo napahaba rin ang kwentuhan namin ng Papa mo."
"Usapang politika na naman, for sure."
"Nope. Basketball naman."
I chuckled.
"O, sige na. Pumasok ka na sa trabaho. Baka kasalanan pa namin ng pamilya ko 'pag bumagsak ang kompanya ninyo," I joked.
"Not likely to happen."
Which was true. He was a damn good businessman and I'm not saying this just because he's my boyfriend. Phil was a very smart, hardworking, dedicated and compassionate leader. Alam niya kung ano ang ginagawa niya. May mga mahuhusay siyang techniques para mas maging malago pa ang kompanya. At the same time, hindi rin niya iniiwan ang employees niya sa paglago ng kompanya. Kasabay na umaangat ang lahat.
"Ikaw naman, matulog ka na. 'Wag kang cellphone ng cellphone. Pa'no ka makakatulog niyan?" sermon niya sa'kin pero sa magaang tono.
"Oo na po, matutulog na. Sina Kim at Mikaela kasi, ang daming chika."
"Kung tungkol na naman 'yan sa sexcapades ni Mikaela, then you better sleep. Kung anu-ano na lang talaga ang pinag-uusapan n'yo. Sobrang polluted na ng isip mo."
"Pa'no mo nalaman?"
Sinagot lang niya ako ng isang malakas na tawa.
"Sleep tight." He kissed me on my forehead.
"Sa noo talaga? Lolo mo ba ako?"
"You're really addicted to my lips, huh?" He grinned.
"Ang presko!"
"Fine, pagbibigyan kita. Pero napipilitan lang ako, ah," he joked and then kissed me breathlessly.
AUTHOR'S NOTE:
I think maga-update ako ng special chapters from time to time, kapag nami-miss ko ang #PhilYo. Hindi ko rin alam kung hanggang ilang special chapters 'to. Basta ang importante naman 'di ba, tapos na ang kwento nila. The special chapters are just "hirits" and a glimpse of their life after "The End." This special chapter is a thank you gift para sa mga loyal and supportive readers. Nakaka-100k reads na tayo and it's all because of you, guys! Thank you so much for being so awesome and for loving Phil and Yohan! I hope ma-extend n'yo rin ang love na 'yan kina Luke at Trevor sa No Better Ending. Sa ngayon, nasa NBE muna talaga ang full attention ko.
Maraming salamat ulit at sana nagustuhan n'yo ang special chapter na 'to! :)
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...