Chapter Eighteen:
Devil in Disguise***
THEN
August 2008AKALA ko kaya ko, hindi pala.
Okay, first of all, matanggal ko ng tanggap na hindi magkakagusto sa akin si Phil. Bestfriend lang talaga ang tingin n'ya sa'kin, kasi nga, straight na straight ang mokong. At wala na akong magagawa do'n. Kung babae sana ako, pwede akong mas magpaganda o magpapansin at baka may pag-asa pa akong magustuhan n'ya. Kaso hindi naman ako babae. Kaya tinanggap ko na lang na hindi talaga pwede.
Pero alam mo 'yung feeling na parang isinasampal sa'yo ng mundo ang katotohanan?
That's what I felt everytime I would see Andrea and Phil together. Hindi pa sila officiall, pero perfect couple na ang tingin ng buong university sa kanila. Ako? Ito, walang magawa kundi magselos at mainggit.
"Guys, wedding anniversary ng parents ko tomorrow, ah. Don't forget to be there sa party," Andrea reminded us while we were having luch in the cafeteria. Wala akong choice kundi sumabay sa kanila kasi absent ang dalawa kong kaibigan. Nagpakalasing ang mga bruha kagabi sa isang party.
"Parents mo? They're my parents too, little sister," biro ni Kyle na ikinatawa namin.
"Stop calling me little sister, okay? Nakakahiya sa kanila." She sounded pissed off pero ang ganda pa rin n'yang tingnan kaya hindi halatang iritado s'ya. Posible bang magkaro'n ng gano'n ka-angelic na mukha? "Yohan, you have to come, ah."
Nakaupo sa gitna namin si Phil. Oo, parang may love triangle na nagaganap kahit wala naman talaga. Kasi wala rin naman akong laban.
"S-susubukan ko," sagot ko.
"What?"
"Allergic kasi si Yohan sa mga social gatherings," biro ni Phil tsaka inakbayan ako. Shit! Ang bango! Lumayo ka sa'kin, Phil! "But don't worry, I'll make sure na makakarating s'ya."
"Great!"
Isa sa mga nagpapahirap sa akin ay ang kabaitan ni Andrea. Yes, hindi lang angelic ang mukha n'ya, angelic rin ang ugali n'ya. Wala yatang masamang tinapay sa babaeng 'to. Minsan nakakairita lang ang kaartehan at ka-conyohan n'ya pero lahat ng iyon ay naku-compensate ng kabutihan ng loob n'ya.
Feeling close s'ya sa akin dahil bestfriend ako ni Phil. Gusto raw n'yang maging magkaibigan rin kami dahil mas kilala ko ang lalaking nanliligaw sa kanya. Minsan nakukonsensya ako dahil uneasy ako around her while she did nothing but to reach out to me. Lagi s'yang nage-exert ng effort para mas maging close kami sa isa't-isa. Pasensya naman. Ang tingin ko kasi sa kanya ay mang-aagaw ng identity ko bilang si Cinderella.
I was still trying to figure out the reason kung bakit s'ya nagsisinungaling kay Phil. Gusto ko sanang magtanong kay Kyle pero wala naman akong lakas ng loob na itanong 'yun. Kaya siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin ako comfortable around her. Because I knew that she was too good to be true. That there was a possibility na hindi s'ya ang sweet and angelic na Andrea na kilala namin.
***
NAKASIMANGOT akong lumipat sa front seat ng kotse ni Phil pagkatapos naming ihatid si Andrea sa bahay nila. Palagi na lang ganito araw-araw. Ihahatid muna namin si Andrea pauwi kahit out of the way naman ang bahay nila sa amin. May kotse at driver naman sina Andrea. May kotse rin si Kyle na kapatid n'ya. Pero wala, eh. Nililigawan n'ya si Andrea kaya todo effort at pa-impress si Phil.
BINABASA MO ANG
Cinderella is Gay (EDITING)
RomanceMatagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'ya...