💫 XXXVII 💫

10.8K 446 59
                                    

Chapter Thirty-Seven:
Concerned

***

THEN
December 2008

YOHAN'S POINT OF VIEW

RAMDAM na ramdam ko na ang Christmas spirit. Kahit saan ako lumingon, may Christmas decoration. Kahit sa'ng establishment ako pumasok, may naka-play na Christmas song. But I couldn't be happy because I felt empty inside. Iyon kasi ang unang pasko na hindi kami okay ni Phil. Sanay ako na magkasama kami sa lahat ng Christmas activities every year.

It's been a month since that time na nagselos si Phil sa'min ni Trevor. It's been a month na ipinaparamdam n'ya sa akin na wala na rin ako sa buhay niya. We treated each other like strangers when we're in school. When we see each other at home, umaarte naman kaming parang walang problema sa aming dalawa. Masakit pala.

I didn't just lose the person I've always loved... I lost my bestfriend... my partner-in-crime.

"Hoy, umuwi ka na kasi, bakla. Ang tamlay mo," nag-aalalang sabi ni Kim habang nasa study hall kami. "Hindi tatakbo ang university. Pwede ka namang pumasok bukas. Pero sa ngayon, magpahinga ka na muna."

"Oo nga. May lagnat ka and I'm sure maiintindihan ng mga professor mo kung hindi ka muna papasok," ani Mikaela.

"Ano ba kayo, ang OA n'yo! Kaya ko 'to, ano. Simpleng lagnat lang 'to. Tsaka uminom na rin naman ako ng gamot kanina."

"You don't look okay, bakla. I know na mahalaga sa'yo ang pag-aaral mo. Pero pa'no ka mag-aaral kung may sakit ka?"

"Importante ang quizzes ko today. But promise, uuwi kaagad ako pagkatapos ng lahat ng 'yon. Magpapahinga ako mamaya 'pag uwi ko sa bahay."

Hindi nila ako napilit. Marami kasi kaming quizzes bago magsimula ang Christmas vacation. I couldn't miss my classes for today. Pinag-aralan ko pa namang mabuti ang coverage ng quizzes. Ayoko ring mag-take ng special exam kasi feeling ko mas ma-dodoble ang pressure ko kapag alam kong tapos na ang mga kaklase ko at ako na lang mag-isa ang nagsa-suffer.

Totoong masama talaga ang pakiramdam ko sa araw na 'yon. May sipon at lagnat ako. It really affected my performance the whole day. Pinilit kong mag-focus sa questionnaires dahil ayokong makaapekto ito sa grades ko. Luckily, naka-survive naman ako. Feeling ko naman nasagutan ko nang mabuti ang mga tanong.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong tinanong ni Trevor kung okay lang ba ako. Sobrang halata pala sa mukha ko na may sakit ako.

"Hey, are you okay?" tanong na naman niya pagkatapos ng lahat ng klase namin.

"Pang-sampung beses mo na yatang tanong 'yan, Trev. Sirang-plaka ka ba?" pabiro kong sabi habang mahinang naglalakad sa hallway.


"Nag-aalala lang naman ako."

"I know. But don't worry too much kasi kaya ko naman."

"Halos hindi ka na nga makalakad nang maayos d'yan."

"Kaya ko 'to, okay? Pareho lang kayo nina Kim at Mikaela. Ang o-OA n'yo."

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon