💫 X 💫

11K 539 56
                                    

Chapter Ten:
The Other Guy

***

THEN
June 2008

MY SUDDEN outburst rendered him speechless. Kung kahit kailan ay hindi s'ya naging bastos sa akin, ako naman ay hindi pa nagtaas ng boses sa kanya kahit kailan. Kaya alam kong hindi n'ya in-expect na sisigawan ko s'ya. Pasensyahan na lang kami dahil punong-puno na ako. Sobrang sakit na ng ginagawa n'ya sa'kin.

Alam kong may kasalanan ako sa kanya, pero hindi naman pwede na sasaktan n'ya ako nang ganito. Wala s'yang alam sa nararamdaman ko. Wala s'yang alam na kaya hindi ako hindi nakarating sa party n'ya bilang si Yohan because I needed to have a new identity para mailabas lang ang nararamdaman ko. Wala s'yang idea kung gaano kahirap 'yun. Hindi n'ya alam kung gaano kahirap para sa'kin na magtapat ng feelings sa bestfriend kong straight gamit ang isang mysterious identity dahil ayokong magkasiraan kami.

"You want us to talk? Fine! Go ahead and talk! Makikinig ako," mariing sabi n'ya.

"Masyado ba talagang malaki ang kasalanan ko sa'yo para saktan mo ako nang ganito? Kanina sa cafeteria, you have no idea kung ga'no kasakit ang ginawa mo sa'kin do'n."

"Kasalanan mo rin naman 'yun. Alam mo namang galit ako sa'yo, kinausap mo pa rin ako. Araw-araw mo akong kinukulit sa bahay at sa school."

"Kasi nga gusto kong mag-sorry sa'yo. Gusto kong maging okay tayo."

"You can't expect us to be okay after you ditched my birthday party and chose someone else over me. I'm your bestfriend! Ako dapat ang priority mo!"

"Oo nga, ikaw ang bestfriend ko. Ikaw rin ang priority ko."

"Kung gano'n, bakit—"

"Bakit ang selfish mo?! Somebody needed my presence more than you that night! And just because I chose to stay with her doesn't mean I value her more than you. God knows kung gaano ko tini-treasure ang friendship natin. Kaya wala kang karapatang gawin sa akin 'to. Sure, you're entitled to be hurt and angry. Pero hindi mo dapat ako binabastos at sinasaktan nang ganito kasi kaibigan mo 'ko! Bestfriend mo 'ko!"

"Ano ba'ng gusto mong mangyari?" balik na naman sa pagiging cold ang boses n'ya. Iyong parang walang emosyon.

"'Ewan ko sa'yo, matanda ka na. Alam mo naman na siguro kung ano ang dapat nating gawin."

"Ano, magiging magkaibigan ulit tayo na parang walang nangyari?"

Huminga ako nang malalim.

"Alam mo, bahala ka na," pagod kong wika. "Kung hahayaan mong masira ang ilang taong friendship natin dahil lang do'n sa nangyari, fine. Wala na akong magagawa kung 'yan ang gusto mo. Basta ako, I did my best para i-save ang pagkakaibigan natin. Kung ayaw mong mag-cooperate, kung ayaw mo akong patawarin, bahala ka na. Ayoko na."

Tinalikuran ko s'ya at nag-umpisang maglakad palayo.

"So, ganu'n-gano'n na lang? Basta-basta ka na lang susuko?"

"Gusto mo ba lumuhod ako at magmakaawa?" tanong ko nang hindi pa rin lumilingon sa kanya. "I'm not gonna do that. Kasi alam mo, kung ikaw ang may kasalanan sa akin ngayon, magagalit ako pero hindi kita papahirapan. Hindi kita sasaktan pabalik. Kasi ganya'n naman talaga 'pag magkaibigan, 'di ba? Obviously, you don't know what friendship means."

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon