💫 XX 💫

10.6K 502 111
                                    

Chapter Twenty:
The Bestfriend

***

THEN
September 2008

"YES, PHIL! YES!"

Nakakabingi ang palakpakan ng mga tao sa university habang nakatingin kina Phil at Andrea sa gitna ng soccer field. Tirik na tirik ang araw pero walang pakialam ang dalawang bida kung ma-heatstroke man sila. Busy kasi sa pagyayakapan. Sigurado rin ako na kung wala lang sila sa loob ng campus ay kanina pa sila naghalikan.

After ng isang buwang pagde-date and getting-to-know each other stage, finally, they're officially a couple now. Hindi pa naman sila ikakasal pero wagas kung makasigaw ng "yes!" si Andrea. Feel na feel n'ya ang moment. Habang ako naman ay tahimik na nakaupo sa ilalim ng puno, ini-imagine na ako ang kayakap ni Phil sa gitna ng field.

"Ouch. Ang sakit, 'no?" pang-aasar ni Kim sa akin. "Na-snatch ng iba ang man of your dreams."

"Kailangan bang ipagdiinan mo pa? Ang sakit na nga, eh," reklamo ko't nag-sip sa dala kong shake. "Tsaka, wala rin naman akong magagawa, eh. Gusto s'ya ng kaibigan ko. Baka nga mahal na. Isa pa, mas bagay naman sila."

"Self-pity much?"

"Hindi naman. Naisip ko lang na baka mas mabuting subukan ko na lang na maging masaya para sa kanila. Baka ngayong may serious relationship na si Phil, baka ito na ang daan para maka-move on ako. Dati kasi na single and available pa s'ya, it was easy for me na mag-ilusyon at umasa na baka pwedeng maging kami. But now that he's off the market, baka makakalimutan ko na rin ang feelings ko sa kanya."

"May I just remind you na ang feelings na sinasabi mo ay ang same feelings na ilang taon mong inalagaan at itinago d'yan sa puso mo. Don't be silly. Hindi 'yan isang file na pwede mong basta-basta na lang i-delete," ani Mikaela. "Feelings like that are meant to linger inside your heart for a very long time... Or maybe forever."

"Wow, ha. Salamat naman sa suporta mo sa pagmo-move on ko."

"Pasensya na. I was just stating a fact."

***

NAG-TEXT si Phil sa akin after our classes na hindi raw kami sabay uuwi dahil may date sila ni Andrea. Sanay na rin naman ako. Mula no'ng niligawam n'ya si Andrea, madalas na kaming hindi nagkakasabay sa pag-uwi. Which was fine with me. I mean, it wasn't fine, but... You know what I mean. May mag-iiba talaga now that Andrea was already in the picture. Hindi na magiging kagaya ng dati ang lahat. Lalo na ngayong official na sila.

No choice ako kundi mag-commute pauwi. No big deal. Traffic? Rush hour? Mahabang pila sa terminal ng jeep? Kayang-kaya. It wasn't like hindi ko kayang umuwi nang hindi nakiki-hitch ng ride kay Phil.

Tompak! You're a strong, independent gay, Yohan! Umuwi kang mag-isa! sabi ng isip ko.

Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng university nang biglang may humintong motor sa gilid ko. Nagulat ako pero hindi naman natakot kasi sure naman akong safe sa loob ng university.

"Yohan." Tinanggal ng lalaki ang suot n'yang helmet.

"Kyle," I said coldly.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon