💫 I 💫

20.6K 791 178
                                    

Chapter One:
Bro

***

THEN

June 2008

BAGO pa man nauso ang #friendzoned alam ko na kung ga'no kasakit 'yon. Hindi pa uso ang Twitter, hashtags at hugot lines no'ng na-realize ko na in love ako sa bestfriend ko. Pero kagaya ng cliché movies and novels na napapanood at nababasa natin, I chose not to tell him about my feelings kasi ayokong masira ang friendship namin. Oo na, corny na kung corny. Overused na nga siguro ang plot na 'to. Pero hindi n'yo kasi naiintindihan.

I'm gay.
He's straight.

Wala s'yang alam sa sexual preference ko kaya mas lalong hindi niya alam na mahal ko s'ya higit pa sa isang kaibigan. Hindi n'ya muna pwedeng malaman. Ayoko. Duwag na kung duwag pero ayokong magkasiraan kami. Bahala na kahit magselos ako nang magselos sa mga babaeng nakaka-date at fini-flirt nya. Bahala na kung pinagkakasya ko na lang ang sarili ko sa paggawa ng mga nakakakilig na fake scenarios bago matulog sa gabi.

"Naghiwalay kayo ni Katelyn?" tanong ko sa kanya habang nakaupo sa front seat ng kanyang kotse. First day of college namin ngayon, and as usual, magkasabay kaming papasok.

"Yup."

I rolled my eyes heavenwards.

"Ano ba 'yan, kaya pala hindi ako pinatulog ni Katelyn buong gabi. Text nang text. Gusto n'yang kumbinsihin kita na makipagbalikan sa kanya."

Napalingu-lingo s'ya sa sinabi ko.

"The next time she texts you, tell her that nothing and no one can convince me para makipagbalikan sa kanya. We're done."

"Pang-ilang girlfriend mo na ba s'ya this year? Aba, nangangalahati pa lang ang taon, nakaka-limang girlfriend ka na yata. May quota ka ba?"

"Grabe ka naman sa pagiging judgemental sa'kin. Hindi kaya lima. Apat lang."

"Wow. So, proud ka pa d'yan?"

"C'mon, 'bro. Chill out."

Ouch.

Aya'n na naman s'ya sa pagtawag sa'kin ng bro. Minsan nakakakonsensya dahil pakiramdam ko niloloko ko ang sarili kong bestfriend. Buong akala niya'y bro n'ya 'ko. Wala s'yang idea na babe pala ang gusto kong tawagan namin throughout these years. But as usual, I chose not to dwell on it. Ginusto ko 'to, eh. Ito ang pnili ko, kaya kahit masakit, titiisin at paninindigan ko.

"Kasi naman, kung magpalit ka ng babae, para ka lang nagpapalit ng briefs."

"Alam mong hindi ako nagbi-briefs."

Automatic naman akong nag-blush sa sinabi n'ya. Images of him wearing nothing but boxers while walking inside his room flashed on my mind. Nag-focus ang imagination ko specifically on his washboard abs patungo sa...

Okay, okay. Ang aga pa para sa ka-manyakan mo, Yohan. Kalma! my inner conscience yelled at me.

Ano ka ba, okay lang 'yan! Kamanyak-manyak naman talaga ang pandesal ng bestfriend mo. Kaya, sige, go lang! Enjoy-in mo lang ang pagnanasa mo sa kanya! pangungonsenti naman ng makulit na parte ng utak ko.

Cinderella is Gay (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon